Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 1:1-10.
Balikan ang babasahin at isipin ang mga ispiritwal na kaloob sa'yo kay Cristo. May isa bang pagpapala na lubos na nangingibabaw sa iyo ngayon? Sa pagsuri mo sa mga ito, sambitin ang mga ito sa iyong sarili. Halimbawa: "Pinili ako bago pa likhain ang sanlibutan."
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 1:3
"Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo."
MAGDILIG NG BINHI
Isaalang-alang ang ibig sabihin ng mga pagpapalang ispiritwal sa pamamagitan ni Cristo. Maglaan ng 2-3 minuto para manalangin at pag-isipan kung paano mamuhay araw-araw sa katotohanang ito. Sa pagharap sa krisis o pagdedesisyon, alalahanin ang talatang ito. At lumakad sa pananampalataya, na "Ang Diyos ay biniyayaan ako kay Cristo ng lahat ng ispiritwal na kaloob." Manalig sa Kanyang lakas at tandaang mahal ka Niya.
MAG-ANI NG BUNGA
Biniyayaan ng lahat ng ispiritwal na kaloob.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/