Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 1:15-23.
Ano ang panalangin ni Pablo para sa mga simbahan sa Efeso at mga Cristiano sa buong mundo? Balikan at basahin ang panalangin Niya, isaisip na bilang mga "anak" ng Diyos, ipinapanalangin ka ni Jesus araw-araw (Mga Hebreo 7:25). Akalain si Jesus na nananalangin para sa'yo. Palitan ang mga salitang "iyo" ng pangalan mo at taimtim na bigkasin sa sarili. Paniwalaan itong katotohanan.
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 1:18-19
"Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong isip upang malaman ninyo kung ano ang inyong inaasahan sa kanyang pagkatawag sa inyo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal, at kung ano ang di-masukat na kapangyarihang kaloob niya sa atin na mga nananalig sa kanya."
MAGDILIG NG BINHI
Kunin ang panalangin ni Pablo at bigkasin ito para sa mga kapamilya at kaibigan. Ipanalangin ito para sa kaibigang nakikita mong naghahanap sa Panginoon ng buong puso, kaluluwa, isipan, at lakas. Ngayon ipanalangin ito para sa sarili. Gaya ni Pablo na nanalangin para sa mga Taga-Efeso at sa simbahan, alalahanin na si Jesus ay nagdarasal araw-araw, bawat oras, at bawat pagkakataon para sa'yo. Hilinging makita mo ang mga bagay-bagay ayon sa Kanyang mata. Tandaang
"magdilig ng binhi" sa buong araw. Magtanim ng katotohanan sa iyong puso hanggang mag-ani ng harding hitik ng pananampalataya at kabanalan!
MAG-ANI NG BUNGA
Magdasal para makilala siyang lubos.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/