Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 13 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 2:11-16.
Tingnan muli ang verse 12. Anong mga salita ang ginamit ni Pablo para ilarawan ang kalagayan natin bago si Cristo? Subalit ano ang sinabi ni Pablo sa verse 13 para mabago lahat iyon?

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 2:13
"Ngunit ngayon, dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayo na dati'y malayo sa Diyos ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo."

MAGDILIG NG BINHI
Sa 1 Pedro 2:10 sinabi sa atin na, "Kayo'y hindi bayan ng Diyos noon; ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang niya. Noon, pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo'y tinatanggap na ninyo ang kanyang habag." Madalas nating nararamdaman na tila hindi tayo makadulog sa Panginoon gaya ng gusto natin. Tila ba may pader o pagkakalayo. Sa pagmumuni-muni mo tungkol sa talata ng Bibliya ngayon, ipako ang pagiisip sa katotohanan na inilapit ka ng Panginoon, ang tabing ay nahati sa dalawa, at maari kang lumapit sa Kanyang silid ng trono anumang pagkakataon. Sulitin ang araw na ito sa paulit-ulit na pagbigkas ng talatang ito at piliing maniwala sa sinasabi nito kaysa sa nararamdaman mo.

MAG-ANI NG BUNGA
Inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/