Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 2:8-10.
Sa talatang ito ng Bibliya ay sinasabi sa atin na ang ating kaligtasan ay kaloob ng Diyos. Buong loob at pasasalamat mo bang tinanggap ang biyayang ito? Maaring may panahon na tila'y di ka karapat-dapat dito, o kaya'y nababalewala mo ito. Basahin ang verse 8, dahan-dahan, kada salita. Paano mo natanggap ang biyaya ng kaligtasan?
Ito'y kaloob ng Diyos - di natin pinagpaguran, di tayo karapat-dapat, grasya. Binigay ito ng Diyos dahil sa Kanyang mayamang pag-ibig at awa. Ito'y pinagkaloob ng may layunin, ayon sa plano ng Dyios.
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 2:10
"Sapagkat tayo'y nilalang ng Diyos; nilikha sa pamamagitan ni Cristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti. Iyan ang layuning pinili ng Diyos para sa atin noong una pa man."
MAGDILIG NG BINHI
Isaalang-alang ang kahalagahan ng pagiging nilalang Niya. Lahat - ang kalagayan mo sa buhay, pagkatao, talento, kalakasan, at kahinaan - ay bumubuo sa iyo at sa pagkahirang sa'yo kay Cristo. Maglaan ng panahon para pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang nilikha sa iyo! Hilinging sa Kanyang malaman mo kung paano ka magiging biyaya sa katawan ni Cristo. Makinig at magmasid. Hilingin ang Kanyang karunungan at kamalayan. Sundin Siya sa pag-akay sa iyo patungo sa landas ng kabanalan at matiyagang sumunod sa Kanya. Nawa'y mahikayat ka!
MAG-ANI NG BUNGA
Nilalang para sa paggawa ng mabuti.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/