Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 3:1-6.
Sino daw si Pablo ayon sa kanya? Ayon sa bersikulo 2, ano ang naipagkatiwala sa kanya? At para kanino? Ano ang sabi ni Pablo sa atin ayon sa bersikulo 6?
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya ngayon. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 3:1
"Dahil dito, akong si Pablo ay naging bilanggo para kay Cristo Jesus alang-alang sa inyong mga Hentil."
MAGDILIG NG BINHI
Ayon sa 1 Mga Taga-Corinto 6:19-20 na tayo din ay pinili para sa isang layunin: "Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; 20sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos." Maaring hindi tayo nasasadlak sa aktwal na kulungan, subalit tayo ay alipin ni Cristo Jesus (Mga Taga-Roma 6:15-23). Sa araw na ito habang nagmumuni-muni tungkol sa talata sa itaas, patuloy na igapos ang "laman" at hayaan ang Espiritung maghari sa iyo. Alalahanin ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili (Mga Taga-Galacia 5:22-23).
MAG-ANI NG BUNGA
Alipin ni Hesukristo.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/