Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 4:4-8.
Makinig na mabuti. Para saan ka tinawag? Para saan ka kabahagi? Basahing muli ang berso ika-4. Ang puso ng Diyos ay para mamuhay ng may pagkakaisa ang mga Kristyano, ginugunita na tayo ay bahagi ng isang katawan. Gawin natin ang lahat para mapanatili ang pagkakaisa ng katawan at pakatandaan na tayo ay hindi nagiisa. Tayo ay kabahagi ng katawan ni Kristo. "May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo'y tawagin ng Diyos. Tayo ay may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang pagbibinyag, iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat." (Ephesians 4:4-6).
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya ngayon. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 4:7
"Ang bawat isa sa atin ay nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Kristo."
MAGDILIG NG BINHI
Binigyan tayong lahat ng kaloob para magampanan ang ating bahagi. Natutupad mo ba ang papel mo? Nagbibigay ka ba ng oras, talento at yaman? Bahagi ka ba ng grupo ng mga mananampalataya? Hindi tayo kagaya ni Jack Bauer, solong gumagalaw, subalit ginagampanan ang tinalaga Niyang gawain kapiling Niya.
Sinasabi ng 2 Mga Taga-Corinto 12:9 na, "Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina." Ang kaloob ng Diyos ang nagpatibay kay Pablo sa pamamagitan ng kanyang kahinaan. Ang kaparehong grasya ay ipinagkaloob din sa iyo - ayon sa sukat ng kaloob ni Kristo! "Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa" (2 Mga Taga-Corinto 9:8). Ang grasya ng Diyos ay sapat sa ating mga pangangailangan upang masabi nating ang Diyos ay sapat! Siya ang aking Kabuuan! Ganito mo ba nakikita ang iyong sarili o kalagayan? Naniniwala ka ba sa katotohanang ito?
MAG-ANI NG BUNGA
Ang kaloob ay binibigay sa mga nakay-Cristo.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/