Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 4:15-16.
Ayon kay Pablo, sa anong kadahilanan at sa papaanong paraan umano ang ating paglago?
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya ngayon. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 4:15
"Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Kristo."
MAGDILIG NG BINHI
Sa ating pagsasabuhay ng Salita ng Diyos, lalago tayo sa ating lakarin. Hindi na tayo madadala ng alon o matatangay ng hangin. Magiging matatag ang ating hakbang, anuman ang panahon. Mapatitibay natin ang ating tindig sa pagsasabuhay ng Kanyang katotohanan araw-araw. Sa ating pagtanim at pagdilig, payayabungin ito ng Diyos, at magbubunga tayo ng katuwiran.
Gawin ito ngayon. Ugaliing magsalita ng pag-ibig sa bawat taong ipadadala ng Diyos sa iyong landas. Darating ang panahon na susubukin ka. Ikaw ba ay magiging handa ka at hindi mangingiming ipahayag ang katotohanan? Dapat nating tulungan ang isa't-isa. Gawin natin ito nang may pag-ibig! Ibigin ang iba gaya nang paraang gusto nating ma-ibig. Idalangin sa Diyos na mabigyan ng pagkakataong maging kagaya ni Kristo sa iba, maging sa iyong kabiyak, iyong mga anak, o sa kawani sa pamilihan (Mateo 22:39, Mga Taga-Efeso 5:1-2).
MAG-ANI NG BUNGA
Magsalita ng katotohanan sa pag-ibig.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/