Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 26 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 5:3-5.
Pag-iimbot at pagsamba sa diyus-diyosan? Ano ang sinasabi ng babasahing ito tungkol sa mga kasalanang nabanggit? Ano ang babala? Ang pag-iimbot ay pagnanasa sa bagay ng iba. Pagsamba sa diyus-diyosan ay pagalis sa Diyos sa Kanyang nararapat na pwesto. May mga bagay ka bang dapat gawin?

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 5:5
"Alam na ninyong walang bahagi sa kaharian ni Cristo at ng Diyos ang taong nakikiapid, mahalay, o sakim sapagkat ang kasakiman ay isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan."

MAGDILIG NG BINHI
Inutos sa atin ng Diyos na ibigin Siya nang buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas (Marcos 12:30). Paano natin masasabi kung may nailagay tayo sa nararapat na lugar lamang ng Diyos? Malalaman natin ito ayon sa kung ano ang nilalaman ng ating isipan, anong mga bagay ang pinagtutoonan natin ng pansin, saan natin ginugugol ang ating pera, paano natin ginugugol ang ating panahon, mga salitang binibigkas natin, kung ano ang pinagsusumikapan natin, o kung ano ang higit na nagbibigay pasakit sa atin. Halimbawa, ano ang ikinaliligalig mo? Ano ang pinagdarasal mo o madalas na pinag-uusapan ninyo? Maari kang maging praktikal at maagap.

Suriin ang sarili ayon sa nabasang talata. Ano ang pinagtutuonan mo ng pansin? Sino ito? Ano ang mithiin mo? Sino ang pinaglilingkuran mo? Tanggapin ang kasalanan ng pag-iimbot o pagsamba sa diyus-diyosan kapag nakita mo ito at magsisi. Ano ang ipinapakita ng mga bagay na ito tungkol sa mga ninanais mo? Anumang pumapalit sa Diyos sa puso mo, alisin at talikuran ito. Manumbalik sa Panginoon, ang iyong Tagapaglikha (Pahayag 2:4-5).

MAG-ANI NG BUNGA
Huwag maglagay nang anuman sa lugar na nakalaan sa Diyos.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 25Araw 27

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/