Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 5:22-33.
Isinasaisip ang talatang, "Pasakop kayo sa isa't isa bilang tanda ng inyong paggalang kay Kristo," basahin ang susunod na talata habang hinihingi sa Panginoon na ipaalam sa iyo ang mga bagay na kailangan mong baguhin sa pakikitungo mo sa iyong asawa. Kung wala pang asawa, ipanalangin ang mga salitang ito para sa kakilalang may asawa. Idulog din sa Diyos na kung ikaw ay para sa buhay may asawa na ihanda ang puso mo para dito.
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 5:24
"Kung paanong nasasakop ni Kristo ang iglesya, gayundin naman, ang mga babae ay dapat pasakop nang lubusan sa kanilang asawa."
MAGDILIG NG BINHI
Ang usapin ng pagpapasakop ay hindi tanyag sa ating kultura. Nakikita ito ngayon bilang sagisag ng kahinaan o pagpapa-alipin. Maaring kinakailangan ito sa ibang daigdig o noong unang panahon. Subalit maaring malayo ito sa katotohanan. Ang pagpapasakop ay isang paksang mababasa sa kabuuan ng Bibliya - pagpapasakop sa Diyos, sa Kanyang Salita, sa mga pastor at pinuno, asawa, amo, at gaya nang nabasa natin kahapon, sa isa't-isa.
Isaalang-alang kung ano ang ibig sabihin ng pagpapasakop kay Kristo sa araw-araw. Habang ginagawa mo ito, tanungin ang sarili kung makakausap mo pa ang Diyos gaya nang paraan ng pakikitungo mo sa iba, sa iyong asawa, kapatid, o magulang.
MAG-ANI NG BUNGA
Magpasakop kay Kristo at sa iyong asawa.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/