Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Harding
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 6:13-17.
Maaring hinahayaan ng Diyos ang mga bagay sa iyong buhay na alam Niyang susubok sa iyo. Mananalig ka ba o matatakot? Mayron ba sa buhay mo na sumusubok sa iyong pananampalataya? Ano ang kinatatakutan mo? Saan ka hinahamon upang magtiwala sa Diyos? Sabihin mo itong lahat sa Diyos at isuot ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Gamitin ang bawat bahagi ng kasuotan upang lumaban. Balikan ang babasahin kahapon kung kinakailangan.
MAGTANIM NG BINHI
Tahimik na sabihin sa sarili ang piling mga talata ng Bibliya sa araw na ito. Itago ito sa iyong puso at pagbulay-bulayan sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 6:14
"Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohana, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran." (MBB05)
MAGDILIG NG BINHI
Ang mga siping ito mula sa Mga Taga-Efeso ay nagsasabi sa ating ibigkis sa ating baywang ang sinturon ng katotohanan. Ibinigay sa atin ng Diyos ang Kanyang salita bilang pananggalang. Ang katotohanan ay naibigay upang protektahan tayo mula sa mga kasinungalingan. Nababalot tayo ng mga kabulaan ng ating paligid - sa balita, sa pelikula, sa TV. Bigyang-pansin ang mga pananaw at ideya na sumasagi sa iyong isip. Alamin ang mga bagay na naririnig sa radyo at nababasa sa pahayagan. Mayron kang pambihirang pananggalang, gamitin mo ito! Ibigkis sa iyong baywang ang sinturon ng katotohanan bago mo iwan ang iyong oras ng pananalangin. Isuot mo ang iyong kasuotang pandigma at maging handa.
MAG-ANI NG BUNGA
Manindigan.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat na naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/