Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 33 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin


BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 6:10-12.
Basahin ang piling talata sa ispirito ng pananalangin. Maaring nabasa mo na ito dati, gayunpaman, dahan-dahang basahin at bigyang pansin ang mga kagamitan at sandatang pandigma na bigay ng Diyos sa iyo. Hindi Niya tayo hinayaang mag-isa - Siya ay kasama natin.

Paano ka tutugon kapag ika'y takot? Kapag ika'y galit? Kapag ika'y natutukso? Kapag ang kaaway ay nakapaligid sa'yo? Paano lumaban ayon sa Kanyang kakanyahan, at hindi ayon sa atin? Ito ang nais sabihin ni Pablo sa atin, gamit ang mga talinghaga upang ilarawan kung paano ilagay si Kristo at ang Kanyang lakas. Sinabi niyang isuot ang:
Sinturon ng Katotohanan
Baluti ng Katuwiram
Pangangaral ng Magandang Balita ng Kapayapaan
Panangga ng Pananampalataya
Helmet ng Kaligtasan
Tabak ng Espiritu
At Patuloy na Manalangin!

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 6:11
"Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo."

MAGDILIG NG BINHI
Magpakatatag at huwag padala sa iyong damdamin. Huwag magpaloko sa maling pag-iisip. Isuot ang iyong kasuotang pandigma at huwag sumugod sa laban nang hindi handa, walang sandata, o hindi nag-ensayo. Maging listo sa pag-gamit nang bigay ng Diyos. "Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan." Madalas na natin akalain na tayo ay biktima kapag tayo ay nasa ilalim ng atake ng kalaban. Ang katotohanan ay tayo'y nasa isang labanan. Anong ibig sabihin nito? Pagtuunan ito ng pansin. Ano ang dapat mong baguhin sa iyong pag-iisip? Hindi ka ba nahihilig sa pag-camouflage? May ipinapakita ba ang Diyos na mga resistance o paglaban sa iyong puso upang ikaw ay mamuhay para sa iba, at kabahagi ng isang hukbong panlaban? Ayon sa 2 Timoteo 2:3-4, "Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Kristo Jesus. Ang isang kawal ay hindi nagiging abala sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging kawal; sa halip, sinisikap niyang mabigyan ng kasiyahan ang kanyang pinuno."

MAG-ANI NG BUNGA
Lumaban sa diablo.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 32Araw 34

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/