Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 32 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 6:5-9.
Ano ang sabi ng Diyos tungkol sa mga naglilingkod? Sa mga amo? Paano natin maisasabuhay ito? Hindi ba tayong lahat ay alipin ng Panginoon? Paano tayo dapat mamuhay araw-araw, at ano dapat ang taglay ng ating puso?

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 6:6-7
"Gawin ninyo iyan, may nakakakita man o wala, hindi upang mapuri ng mga tao kundi dahil kayo'y mga lingkod ni Kristo at buong pusong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao."

MAGDILIG NG BINHI
Ano ang mga tungkulin mo araw-araw? Ano ang saloobin ng iyong puso tungkol sa mga gawaing ito? Magmuni-muni sa buong araw. Gumagawa ka ba ayon sa Panginoon? Sa bahay? Sa opisina? Sa paaralan? Binibigay mo ba sa Diyos ang lahat? Sa tingin mo ba ay umaasa ka sa sarili mong lakas? Naghahanap ang Diyos nang paglilingkod mula sa dalisay na puso. Ayon sa 2 Mga Cronica 16:9, "Nagmamasid si Yahweh sa buong daigdig upang tumulong sa lahat ng tapat sa kanya." Patungkol sa isang tao, ang sinasabi nito, "Tulad ng ninuno niyang si David, naging kalugud-lugod kay Yahweh ang mga ginawa niya. Namuhay siya nang matuwid." (2 Mga Cronica 34:2). Idulog sa Diyos na pagkalooban ng tamang puso para maglingkod sa Kanya. Kung nahihirapan, hingin ang Kanyang tulong. Hingin ang Kanyang grasya at lakas. Huwag bumigay o sumuko. Maglingkod nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao (Mga Taga-Colosas 3:23). Ano ang makikita ng Diyos sa iyo?

MAG-ANI NG BUNGA
Gawin ang lahat para sa Panginoon.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 31Araw 33

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/