Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 6:1-4.
Ang Diyos ang Hari ng Kaayusan, at ang patungkol sa karangalan at pagpapasailalim ay mababasa sa buong Bibliya. Sa pagbabasa mo ng mga salitang ito, tingnan ang mga partikular na talata na nangungusap sa iyo. Huwag mo itong balewalain, sa halip ay isapuso ito. Idulog na tulungan ka ng Diyos upang mapagbulay-bulayan ito ngayon. Pag-isipan mo ito. Hingin sa Panginoon na ipaalam sa iyo ang mga bagay na kailangan mong idulog sa Kanya.
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 6:2-3
"Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa."
MAGDILIG NG BINHI
Iginagalang mo ba ang iyong mga magulang? Pinalalaki mo ba ang iyong mga anak ayon sa pamamaraan na kalugod-lugod nang hindi sila nabibigo? Kailangan mo bang magtapat tungkol sa mga nakalipas na kasalanan? Marahil ay nasaktan ka ng iyong magulang. Pahintulutang arugain ka ng Diyos. Payagan Siya sa pribadong bahagi ng iyong puso. Manalig na kaya Niyang pagalingin ang iyong mga sugat. Kailangan mo bang humingi ng tulong sa Kanya upang makayanan mong magpatawad?
Anupaman ang iyong mga magulang, isaalang-alang kung paano ipakikita ang pag-galang sa kanila sa linggong ito. Kung nabubuhay pa ang iyong mga magulang, mag-isip ng mga pamamaraan kung paano maipapakita ang pag-galang sa kanila sa gawa at salita.
Pag-isipan ang pamana nila at isangguni sa Panginoon kung dapat mong ipagpatuloy ang mga kahanga-hanga at kagalang-galang na gawing ito. Pasalamatan Siya dahil Siya ang Ama sa langit at pasalamatan Siya dahil sa kalagayan ng iyong paglaki, nananalig na ang lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. Basahin Mga Taga-Roma 8:18-30.
MAG-ANI NG BUNGA
Igalang ang iyong mga magulang.
Igalang ang Ama sa langit.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/