Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 5:15-21.
Ano ang nais ng Diyos na gawin natin sa ating panahon? Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ni Pablo nang winika nya na punung-puno ng kasamaan ang panahon ngayon?
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 5:15-16
"Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. "
MAGDILIG NG BINHI
Hindi natin laging nakikita kung gaano kadilim ang mundong ating ginagalawan. Ang daigdig natin ay patuloy na dumidilim. Ang magandang bagay tungkol sa madilim na langit ay ang maningning na mga bituin! Ang presensya lamang ng isang anak ng liwanag ay sapat na upang usigin ang mga 'di naniniwala. Ito ang bahagi at gampanin ng Espirito Santo. Huwag matakot na maging liwanag.
Maaring 'di mo dama na ika'y ilaw. Ang kaaway ay susubuking makumbinsi ka na walang nangyayari sa iyong pagpapagal. Alalahanin ang munting awit na maaring kinanta mo nuong bata ka pa? "This little light of mine. I'm going to let it shine." Ika'y nagniningning. Ang kadilima'y 'di kayang magapi ang liwanag anumang sabihin ng kaaway. Ang panahon ay isang napakalaking yaman, at madalas natin itong sayangin at balewalain. Ang pagiging maka-Diyos na tagapangasiwa ng panahon ay mahalaga sapagkat ang lumipas na oras ay 'di na nababalik pa. Maari mo bang pagnilay-nilayan kung paano mo ginamit ang iyong panahon, hindi lamang ngayon subalit sa buong linggo? Ano ang gagawin mo sa yaman ng panahon na ipinagkaloob ng Diyos sa'yo? Ginagamit mo ba ito upang ibahagi ang ebanghelyo o maging katawan ng Diyos sa mundo? Tumigil at pag-isipan ang mga pagbabagong kailangang gawin sa iyong iskedyul. At sa 'yong pagninilay sa Salita ng Diyos ngayon, tingnan ang sarili at paano mo ginagamit ang iyong panahon.
MAG-ANI NG BUNGA
Samantalahin ang bawat pagkakataon.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/