Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 5:11-14.
Ano ang mga babala sa talatang ito?
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 5:14
"Gumising ka, ikaw na natutulog,
bumangon ka mula sa libingan,
at liliwanagan ka ni Kristo"
MAGDILIG NG BINHI
Sa pagbunyag ng Diyos ng mga dapat baguhin sa iyong buhay at puso, paano mo magigising ang natutulog na bahagi mo? Ano ang mga bagay na maaring makatulong sa pag-gising mo? Isang halimbawa ang pananatili sa salita at pagmumuni-muni dito sa buong araw at araw-araw.
May mga pagkakataong nagbabasa o nanunuod tayo ng palabas habang inaantok at malapit nang makatulog. May ibang pagkakataon namang hindi natin namamalayang nakatulog na tayo. Ganito rin ang pandaraya ng pagkakahimbing na ispiritwal. Maari tayong mahimbing ng kaaway, na mapana. Tayo ay mulat at tulog sa susunod na saglit. Malaking tulong ang liham ni Santiago para sa atin sa pagtiyak na hindi tayo nalilinlang. Ayon sa Santiago 1:22, "Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito ay pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinaa ninyo ang inyong sarili" (Basahin ang Santiago 1:19-27 ngayon o sa pagkakataong mayron ka). Hilingin sa Diyos na tulungan kang marinig ang salita Niya.
Sa Mga Taga-Roma 10:17, winika ni Pablo na, "Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Kristo" Isa sa pinakamahalagang lugar kung saan susugpuin ang kadiliman ay sa ating mga puso. Maari nating palitan ng liwanag ang kadiliman sa pamamagitan ng Salita ng Diyos sa ating buhay - sa pananatili sa Kanyang salita (Mga Awit 119:11). Kahit na nahihirapang magsaulo at magnilay sa banal na kasulatan, magsimula ulit ngayon; hindi pa huli na sumubok muli sa landas ng kabanalan.
MAG-ANI NG BUNGA
Gumising at bumangon mula sa pagkahimlay.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/