Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 5:6-10.
Ano ang pinagagawa sa iyo ni Pablo? Ikaw ay napupuno ng kadiliman, nahimlay sa kasalanan, puno ng galit, kaaway ng Diyos, suwail, makasalanan - at kung ano-ano pa. Subalit ngayon, ikaw ay nagniningning sa liwanag; ikaw ay kay Kristo at Siya ay sa iyo. Pinapaalalahanan tayo ni Pablo na mamuhay na para bang si Hesus ang nabubuhay sa atin.
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 5:8,10
"Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa liwanag. Pag-aralan ninyo kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon."
MAGDILIG NG BINHI
Ang Espiritu Santo ay nasa iyo at kasama mo. Mahirap itong paniwalaan at tandaan, subalit ang Mga Taga-Galacia 2:20 ay lubhang totoo, ikaw ay kasamang ipinako sa krus ni Kristo at Siya, ang tunay na liwanag, ay nabubuhay sa iyo. Lumakad tayo sa liwanag, bilang mga anak ng liwanag, patuloy na lumalago sa bawat araw at nagiging higit na katulad Niya.
Pagnilayan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging liwanag. Hingin sa Diyos na ikaw ay gawing katotohanan at liwanag sa bahay at trabaho ngayon. Gunigunihin kung ganoon ang sitwasyon. Paano ka mas magliliwanag? Paano ka kung kaunti ang iyong liwanag? Hindi natin ito kaya kung sarili lamang natin ang aasahan natin. Payo ni Pablo, hanapin ang ikalulugod ng Panginoon. Nais tayong tulungan ni Pablo. Kung makikinig tayong mabuti at sasadyain natin ito, maisasapuso natin ang katuruan at maipamumuhay natin ito araw-araw ayon sa grasya ng Diyos. Sa pag-gawa natin nito, patuloy tayong makapaglalakad bilang mga anak ng liwanag.
MAG-ANI NG BUNGA
Lumakad bilang anak ng liwanag.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/