Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 25 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 5:1-2.
Ito ay isa sa mga pinakapaborito kong talata sa Bibliya. Gustong-gusto ko ang kasimplehan nito. Buong kapayakang manikluhod sa Diyos at hingin na pagyabungin Niya ang katotohanang ito sa puso, isip at buhay mo. Hayaan Siyang gawin ang nararapat upang magawa mong mamuhay puspos ng pag-ibig Niya bilang anak ng Diyos. Manalangin ngayon, gabay ang sipi sa ibaba.

"Panginoon, ayoko nang sundin ang sarili kong plano at pagnanais. Ayokong sundin ang sarili kong daan o ang daan ng mundo. Napakahirap kung ang lahat sa paligid ko ay mga tsimis, paghusga, at pagtuon sa mga makamundong bagay. Kailangan ko ng iyong tulong. Nais kong maging katulad mo. Gusto kong pumaris sa iyo bilang iyong bugtong na anak. Gusto kong lumakad sa pag-ibig paris ni Hesus, na minamahal ka at ang iba higit sa Kanyang sarili. Panginoon, tulungan mo akong lumakad sa pag-ibig gaya ni Hesus na umibig at naghandog ng Kanyang sariling buhay para sa akin (Mga Taga-Galacia 2:20)."

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 5:2
"Mamuhay kayong puno ng pag-ibig tulad ni Kristo; dahil sa kanyang pag-ibig sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos."

MAGDILIG NG BINHI
Bilin sa atin na ipakita ang pag-ibig, tulad nang pagpapakita ni Kristo, at ihandog ang ating mga sarili bilang handog - buhay na handog, ayon sa Mga Taga-Roma 12:1. Nagawa mo na ba ito? Kaya mo ba itong gawin ngayon? At kung hindi ngayon, maisasama mo ba ito sa iyong panalangin mula ngayon hanggang ito ay matupad mo? Huwag mo itong ipagpaliban. Tandaan, ipinagkaloob ng Diyos ang lahat na kailangan mo kay Kristo upang magawa ang utos Niya. Hindi ito tagubilin lang, ito din ang halimbawang ipinakita ni Hesus at Pablo sa atin. Kung nais natin ng aralin tungkol sa pag-ibig, ituon natin ang ating paningin sa krus ni Kristo (1 Juan 4:10-11). Ang tagubilin na ito ay hindi lamang para sa mga espirituwal na "pinili," dahil walang espirituwal na pinili. Maari lamang tayong pumiling sumunod o hindi. (Ang 1 Mga Taga-Corinto 13 ay isang mabuting tulong sa pagsuri ng ating puso.)

MAG-ANI NG BUNGA
Umibig gaya nang pag-ibig ni Cristo.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 24Araw 26

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/