Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 24 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 4:29-32.
Sa pagsumikap mong masunod ang kautusan ng Diyos sa Kanyang salita ng buong puso, kaluluwa, isip at lakas, hingin sa Panginoon na tulungan kang maipamuhay ang tagubilin ni Pablo sa talatang ito. Ano ang sabi nyang huwag gawin? Ano ang sabi nyang dapat gawin?

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 4:29
"Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig."

MAGDILIG NG BINHI
Tayo ay dapat umiwas na magsabi ng mga "masasama" at walang katuturang mga bagay, kundi ang makabubuti, angkop at kapaki-pakinabang, upang ang anumang ating bigkasin ay maging biyaya sa iba. Tanungin ang sarili bago magsalita: Makabubuti ba ito? Mapapupurihan ba ang Diyos? Matutulungan ba nito ang sinumang nasa Panginoon? Kung nais mong makita ang nilalaman ng iyong puso, makinig sa mga lumalabas sa iyong bibig (Mateo 12:33-37).

Noong isang araw ikaw ay inanyayahang bigyang pansin ang iyong mga saloobin. Ngayon nais kong pagtuunan mo ang iyong mga salita. Ito ba ay nakatutulong? Ito ba ay nakasisira? Ito ba ay nagdudulot liwanag sa silid? Ito ba ay nagdudulot ng kadiliman? Maging matapat. Hingin sa Panginoon na tulungan kang kilalanin ang makadiyos na katangian o gawi ng iyong mga kasama sa bahay ngayon, at humanap sa banal na kasulatan nang makapag-papatibay nito sa kanila. Sumulat gamit ang kasulatang ito - sa isang maliit na papel na kanilang makikita o sa email. Patuloy humanap ng iba pang paraan upang makapagbigay pala sa mga nakaririnig.

MAG-ANI NG BUNGA
Magbigay ng pagpapala.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 23Araw 25

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/