Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 23 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 4:25-28.
Basahin nang mabuti ang talatang ito at isaalang-alang kung anong kautusan ang nangungusap sa iyo ngayon at sikaping tumugon dito. Humingi ng tulong kay Kristo upang maisapuso ang katotohanang ito. Kasabay nito, hingin ang Kanyang kapatawaran para sa mga nagawang kasalanan. Ano ang mga nasabi, naisip o nagawa mo na hindi matuwid?

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 4:25
"Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan."

MAGDILIG NG BINHI
Ang pagdaan sa mga pagsubok ay nakakapagod rin kung minsan. Ang mga mahihirap na sitwasyon na ito ay maaring magtulak sa atin upang magkasala. Iwinika ni Pedro na ituon ang lahat ng alalahanin kay Kristo dahil "ang diyablo, ay parang leong umaatungal at aali-aligid na naghahanap ng masisila" (1 Pedro 5:8). Huwag maglakad mag-isa. Maging masikap na maghanap ng kasamang mananampalataya. Piliing maging bahagi ng komunidad. Ang tupang nag-iisa ay maaring masilo, mahuli ng mga lobo, o mawala.

Maglaan ng ilang oras upang pagmuni-munihan ang katotohanan na, bilang Kristyano, tayo ay kasapi ng katawan ni Kristo. Isaisip ang Awit 51. Sabi ni David na kapag siya ay nagkasala, nagkasala siya laban sa Diyos, at sa Diyos lamang! Ang talatang ito ay makatutulong sa ating maunawaan ito! Tayong lahat ay bahagi ng bawat isa - lahat ay miyembro ng katawan ni Kristo! Kapag tayo ay nagsinungaling sa isa't-isa, tayo ay nagsisinungaling kay Hesus. Kapag nagmamasungit tayo sa isa't-isa, tayo ay nagmamasungit kay Jesus. Panginoon, tulungan Mo kaming makita ang kahalagahan nito ngayon sa aming pagmuni-muni. Ihayag mo ang katotohanan!

MAG-ANI NG BUNGA
Bahagi ng bawat isa, ang katawan ni Kristo.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 22Araw 24

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/