Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 22 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 4:17-24.
Makinig nang mabuti kay Pablo. Ang ating lakaring Kristiano ay intensyonal, araw-araw, nakapokus na pagpiling lumakad sa liwanag. Ano ang nalaman mo tungkol sa walang kapararakan, walang pag-asang pamamaraan ng mga di naniniwala?

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 4:23-24
"Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan."

MAGDILIG NG BINHI
Saan mo nakikita ang panlalamig ng iyong puso? Nanlamig na ba ang puso mo? Maaring may damdamin ka para sa Panginoon at pananalig sa Kanyang katotohanan, subalit ang pagnanais mo para sa Kanyang salita ay nawala. Ang pagkahabag mo sa iba ay nabawasan at nabago ang pagtingin mula kay Kristo patungo sa sarili.

Ituon ang mga mata kay Kristo. Ipagtapat ang katigasan ng puso. Hingan Siya ng tulong. Hilinging ipanumbalik sa iyo ang Kanyang pag-ibig at ang Kanyang awa.

Ano ang kailangang mabago sa iyong pag-iisip? Saan mo nakikita ang kabiguan sa iyong diwa? Maging mapagmasid sa iyong pag-iisip ngayon (Mga Taga-Roma 12:2). Kapag nahuli mo ang sariling nag-iisip ng walang kabuluhan, tumigil, isulat ito, at tapatan ito ng katotohanan. Kapag nagisip nang mapanuri tungkol sa iba, tumigil at palitan ito ng magpagpalang kaisipan. Kapag nagsimulang mag-alala, tumigil at magsuot ng bagong pagkatao. Isuot ang katotohanan at hanapin sa Bibliya ang mga talatang lalaban sa pag-aalala. Pakatandaan na ang ating iniisip ay may malalim na kabuluhan sa ating mga kilos. Ang unang laban na dapat pagwagian, sa tulong ni Kristo, ay ang kaisipan. Lumaban ng may pagtitiwala sa Kanyang awa at Espirito.

MAG-ANI NG BUNGA
Magpanumbalik sa espirito.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/