Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 20 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 4:9-14.
Maliwanag na ipinakikita ni Pablo na bilang mga banal ay dapat tayong maging kasangkapan para sa paglilingkod at pagtataguyod ng katawan ni Kristo.

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya ngayon. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 4:13
"hanggang makamtan natin ang iisang pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo."

MAGDILIG NG BINHI
Ginagawa mo ba ang lahat sa abot ng iyong makakaya na maging kasangkapan upang maisakatuparan ang ministeryong paanyaya sa iyo ng Panginoon? Bilang asawa? Bilang ina? Bilang guro? Bilang kapwa lingkod? Kung saan may pangangailan sa iglesia? Sa nursery? Sa welcoming committee? Sa food bank? Masugid ka bang nagsisilbi kung saan may pangangailangan? Nasaan ang iyong pokus? May kailangan ka bang baguhin?

Ang tangi ko lang naririnig ay ang mga salita ni Kristo sa Kanyang pangangaral sa bundok: "Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan." (Mateo 6:33). Nais mo bang hilingin sa Diyos na gawin itong iyong layunin, naisin, hangarin? At magagawa mo bang totoo ang naisin na ito sa pagkilos tungkol dito? Mayroon ka bang bang kailangang itigil na hanapin para lubusang masundan higit sa anupaman ang Kanyang kaharian?

MAG-ANI NG BUNGA
Magtamo ng pagkakaisa ng pananampalataya.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 19Araw 21

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/