Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 4:1-3.
Marahang manalangin habang muling binabasa ang talatang 1 at 2. Ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo bilang isang kabiyak, magulang, kapatid, kaibigan? Anong gawi, pag-uugali, o asal ang kailangan mong baguhin? Kailan dapat maging mas mahinahon? Kanino kinakailangang maging mas matiyaga? Ano ang dapat mong gawin para makitungo sa iba, ng may pag-ibig, at hindi lamang MAKITUNGO sa kanila? Tandaan, minamahal na mananampalataya, gawin itong lahat para sa ikaluluwalhati ng Diyos at para sa Kanyang katangi-tanging ebanghelyo.
Kapag tayo ay nagagalit, nagiging kritikal, o nanghuhusga, tayo ay napapahiwalay sa katawan ni Kristo. Nais ng Panginoon na suriin natin ang ating mga puso ng buong sikap. Winika ni Pablo na maging masigasig, alerto, sadyain, at matuling ipanumbalik ang anumang pagkakahiwalay o pagkakamali. Ngayon "sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo" (Mga Taga-Efeso 4:3).
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya ngayon. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 4:1-2
"Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo'y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa't isa."
MAGDILIG NG BINHI
Ang piling talata para sa araw na ito ay hindi nangangailangan ng paliwanag. Ito ay paghihimok sa kabanalan sa loob at labas, kabanalang nagmumula sa pagpili sa Panginoon sa lahat ng pagkakataon una sa lahat at sa kapwa-tao bago ang sarili. Hinihikayat ko kayong tanggapin ang hamon ni Pablo at gawing layunin ang talatang ito, hindi lamang ngayon, subalit sa kabuuan ng pag-aaral nito, o mas mainam pa, sa buong buhay! Hingin sa Panginoon ang Kanyang tulong para magkatotoo ang salitang ito sa buhay mo.
MAG-ANI NG BUNGA
Mamuhay na karapat-dapat sa itinalaga sa iyo.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/