Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 17 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 3:14-21.
Sa pagtingin mo sa talatang ito, ano ang ipinapanalangin ni Pablo para sa atin? Kapag nakita mo kung ano ang ipinapanalangin niya para sa iglesia, nais kong maisip mo na ito rin ang parehong panalangin ni Cristo para sa iyo. Tingnan mo ang mga nais Niya para sa'yo at pagisipan ito ngayon. Ang ating Diyos ay nagnanais ng patungkol sa Kanyang kaluwalhatian. Makikita natin ito sa talata 20-21.

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya ngayon. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.

Mga Taga-Efeso3:16
"Idinadalangin kong palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan sa pamamagitan ng kanyang Espiritu."

MAGDILIG NG BINHI
Bilang mga taong nanampalataya kay Hesukristo, mga tanong tinanggap na inalay Niya ang Kanyang sarili para sa ating mga kasalanan kapalit ng ating makasalanang pamumuhay - dapat nating paalalahanan ang ating sarili na tayo ay araw-araw na nakikipagbuno laban sa ating makamundong naisin, sa ating katawan, at ang Espirito Santo ng Diyos ang namumuhay sa atin. Madali natin itong makalimutan at nakararamdam tayo ng pagkatalo dahil sa ating mga kagustuhan. Pag-isipan mo ang nakaraang linggo. Mag-isip ng pagkakataon kung kailan ang tawag ng laman ang nanaig. Ngayon pag-isipan iyon ayon sa katotohanan na nasa iyo ang kapangyarihan ng Espirito ng Diyos. Hingin sa Panginoon na tulungan kang maalala ito, at manalig, lumakad sa pang-unawa ng Kanyang kapangyarihan. Nananahan si Hesukristo sa iyo. Paniwalaan ito ng buong pananampalataya. Pahihintulatan ng Diyos na mapagwagian ng Kanyang kapangyarihan ang iyong kahinaan. Papuri sa Diyos. Sa iyong pamumuhay ng may pananampalataya, ang Kanyang kapangyarihan ay mananahan sa'yo at aanihin mo ang Kanyang kabanalan. "Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita" (Mga Hebreo 11:1).

"O Panginoon, nawa'y palakasin mo ako ng Iyong kapangyarihan ayon sa Iyong Espiritu, upang si Cristo ay manahan sa aking puso, nang buong pananalig! Tulungan mo akong lumago sa aking pananampalataya."

MAG-ANI NG BUNGA
Pinalakas ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espirito na nanahan sa akin.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/