Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 3:7-13.
Panandaliang pagmuni-munihan ang kamangha-mangha at walang sawang yaman ng pag-ibig ni Kristo at pasalamatan ang Diyos sa Kanyang mga ibinigay. Sa aking pagbubulay-bulay, nagpapasalamat ako sa Kanyang dakilang presensya at pangako na hindi ako iiwan at pababayaan! Muling basahin ang talatang ito at maglista sa isip ng mga biyaya.
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa iyong sarili ang talatang ito. Ilagay ito sa iyong puso at pagnilayan ito sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 3:11-12
"Ito'y alinsunod sa kanyang layunin bago pa man likhain ang sanlibutan. Tinupad niya ang layuning ito sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon. Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makakalapit tayo sa Diyos nang may pagtitiwala at panatag ang loob."
MAGDILIG NG BINHI
Bakit nga ba tayo nag-iisip na kailangan nating ng mga bagay - bagong pitaka, bagong sapatos, pangarap ng bahay, bagong damit at iba pa? O sinasabi natin, "Magiging masayang-masaya ako 'kung ang asawa ko', o 'kapag ang anak ko', o 'kung mayron lamang akong pera'." Ang lahat ng ito ay walang tutumbas sa kung ano ang mayroon tayo! Kailangan nating paalalahanan ang ating sarili na tanging sa piling ni Kristo madarama ang lubos na kagalakan (Mga Awit 16:11). Kailangan lamang nating paalalahanan ang ating mga sarili at palitan ang mga makasalanang gawi ng mga maka-Diyos na gawain. Binigyan tayo ng Diyos ng katapangan at malayang paglapit sa Kanya. Ibinukas Niya ang Kanyang pintuan at silid ng Kanyang puso para sa atin. Ngayon ay maari na nating tawagin ang Diyos ng langit at lupa ng "Ama!" Hindi iyon maari noong unang panahon! Inaanyayahan ka ng Ama sa Langit na lumapit sa Kanya. Anumang araw, oras o paksa, nais Niyang lumapit ka sa Kanya. Sabihin mo sa Ama ang mga naisin mo - materyal mang bagay - na nasa puso mo. Kasunod nito ay hingin mo ang kanyang tulong na magsiklab ang iyong pagmimithi sa Kanyang presensiya at kadakilaan. Bago matapos ang iyong debosyon ngayon, panandaliang manalangin, upang dalhin ang katotohanang ito sa iyong puso, at manatili sa magpamahal na kalinga ng Ama, at ibuhos ang iyong puso sa Kanya.
MAG-ANI NG BUNGA
Nabigyan ng katapangan at malayang paglapit sa Ama na may pagtitiwalang Kanyang pakikinggan.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na palaguin sa iyong buhay ang Kanyang katotohanang naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/