Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 14 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 2:17-22.
Basahin ang talatang ito ng ilang ulit at hingin sa Panginoon na pagkalooban ka ng kaalaman sa posisyon mo sa Kanya at Kanyang simbahan (Mga Taga-Efeso 1:3-14).

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 2:19-20
"Samakatuwid, hindi na kayo uhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Tulad ng isang gusali, kayo'y itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Cristo Jesus."

MAGDILIG NG BINHI
Kailan ka Niya sinimulang ilapit sa Kanya? Panandaliang balikan ang panahon kung paano binukas ng Panginoon ang mga mata mo para makita Siyang Panginoon at Tagapagligtas. Paano ka lumago? Mas mahal mo ba Siya ngayon? Mas mahal mo ba ang Kanyang salita? Nakikita natin ang ating sarili bilang kabahagi ng isang pamilya, iglesia, distrito, samahan, o opisina, subalit gaano kadalas natin napagninilayan na tayo ay kasapi ng sambahayan ng Diyos? Sabi ng 1 Pedro 2:5 "Tulad ng mga batong buháy, maging bahagi kayo ng isang templong espirituwal. Bilang mga paring itinalaga para sa Diyos, mag-alay kayo sa Diyos ng mga handog na espirituwal na kalugud-lugod sa kanya alang-alang kay Jesu-Cristo." Maaring manikluhod sa Panginoon, at alayan Siya ng paghahandog ng papuri. Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal;
purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan. Pagbulay-bulayan ang katotohanang ito sa buong araw.

MAG-ANI NG BUNGA
Kasapi ng sambahayan ng Diyos.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 13Araw 15

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/