Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 11 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 2:4-7.
Bakit daw tayo niligtas ng Diyos ayon sa verse 4? Tayo'y mga patay, subalit ano na ang bago nating kalagayan ayon sa verse 6?

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 2:4-5
"Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin. Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang kagandahang-loob."

MAGDILIG NG BINHI
Ang kaaway na demonyo ay labis ang pagsisikap para maramdaman nating tayo'y hindi katanggap-tanggap gaya niya! Tayo'y pagmamay-ari ng Diyos, pinili nuong una pa para sa Kanya, nakapwesto kay Cristo, nakakubli sa Kanya, hinding-hindi kailanman mawawalay o makakaligtaan, at may nakahandang espesyal na upuan sa piging. Sino man ang umayaw o magtakwil sa atin sa mundo, tayo'y patuloy na kay Cristo.

Panandaliang pagnilay-nilayan ang awa ng Diyos sa iyo. Tunay na isapuso ang katotohanang ito at paniwalaan ito. Nasaan ka man ngayon, iyuko ang ulo at isapuso ang mga salitang ito: "Diyos Ama, sa yaman ng awa Mo, dahil sa labis na pag-ibig mo para sa akin, kahit nuong ako'y patay pa sa aking mga kasalanan, binuhay mo akong muli kasama ni Cristo." Ipikit ang mga mata at hayaang mapuspos ng awa ng Panginoon.

MAG-ANI NG BUNGA
Binigyan ng awa at minahal ng lubos ng Diyos.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/