Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin
BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 2:1-3.
Ano ang sabi ni Pablo tungkol sa ating kalagayan bago kay Cristo? Paano tinukoy ng verse 1 ang ating lagay? Ano ang mga nagagawa natin habang nasa ganung estado? Sino daw ang ating sinusunod ayon sa verse 2? Anong mga silakbo ang nagdikta sa ating mga galaw? Kay Cristo, tayo'y inampon ng Diyos, subalit paano tayo tinawag ni Pablo sa verse 3? Yikes!
MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.
Mga Taga-Efeso 2:3
"Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa ating laman, at sumusunod sa masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng Diyos."
MAGDILIG NG BINHI
Habang mas nauunawaan natin ang lalim ng ating kabuktutan mas lalo din nating naiibig ang Mabuting Balita. Namumuhay pa rin tayo sa gitna ng kasalanan. Isinilang tayo sa kasalanan (Mga Awit 51), subalit dahil kay Cristo tayo'y nabiyayaan ng kapangyarihan buhat sa kasalanan. Napawalang bisa ang kapangyarihan ng kasalanan, at tayo'y hindi na 'nakagapos' dito. Tayo'y pinalaya dahil ang kaparusahan ng kasalanan ay napagbayaran na. Tayo ay kay Cristo na.
Suriin ang kaisipan at kilos sa araw na ito. Anong mga makamundong layaw ang nasupil mo? Anong mga panandaliang pagnanasa ang nasabihan mo ng "huwag"? Anong mga guni-guni ang natutunan mong alisin na sa isipan mo. Isulat mo ang mga ito sa ibaba at pasalamatan ang Panginoon kung nakakita ka ng paglago. Kung hindi mo naitatanggi sa sarili ang mga bagay na hindi nararapat, hingin sa Panginoon ang Kanyang habag at tulong. Dati tayong namuhay sa silakbo ng ating laman. Hindi na ngayon!
MAG-ANI NG BUNGA
Hindi na kinapopootan ng Diyos at tagasunod ng laman.
MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/