Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 8 NG 40

Pagtatanim at Pag-aalaga ng Iyong Hardin

BINHI NG KATOTOHANAN
Basahin Mga Taga-Efeso 1:11-14.
Ano ang naipagkaloob sa'yo kay Cristo? Ano ang natutunan mo tungkol sa layunin mo? Kaninong plano ang laging natutupad o kaninong layunin ang nasasagawa?

MAGTANIM NG BINHI
Mataimtim na bigkasin sa sarili ang piling babasahin mula sa Bibliya. Isapuso ito at pagnilay-nilayan sa buong araw.

Mga Taga-Efeso 1:11
"Dahil kay Cristo, tayo rin ay naging pag-aari ng Diyos na siyang nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban."

MAGDILIG NG BINHI
Napagkalooban ka ng isang bagay na hindi na mababawi. Mamahinga at ipanatag ang kalooban sa katotohanang mabuti ang Diyos, magpakailanman. Inaayos Niyang lahat - sa lahat - ayon sa Kanyang plano. Makakahinga ka ng maluwag, at hindi na mag-aalala pa dahil ikaw ay sa Kanya. Ikaw ay kay Cristo at Siya ay sa'yo.

Pagmuni-munihan ang gawa ng Diyos sa buhay mo at kung paano ka Niya dinala sa Kanya, tinama sa Kanyang salita, at inakay sa babasahing ito. Kung ikaw ay kay Cristo, pinagkalooban ka Niya ng lahat ng kailangan mo para lumago sa Kanyang salita at kabanalan. Inalay Niya sa'yo ang sarili Niya!

Ano ang isang bagay na maari mong magawa para masulit ang ipinagkaloob Niya? Paano kung buong araw ay pag-iisipan mo ang "binhi ng katotohanan? Maari mong kopyahin sa SMS o e-mail para mapagnilayan mo sa halip na mag-alala sa mga makamundong bagay. Diligin at tulungan itong lumago.

MAG-ANI NG BUNGA
Inaayos Niya ang lahat ayon sa Kanyang plano.

MAGTAPOS SA PANALANGIN
Hingin sa Diyos na pagyabungin ang lahat ng naitanim sa iyong puso ngayon.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/