Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
PAGHAHANDA NG TANIMAN
Basahin Lucas 8:19-21.
Makinig sa muling sinasabi ni Jesus. Pinauulit-ulit ni Jesus ang parehong mensahe. Ang pinauulit ay mahalaga.
Ngayon, taimtim, magiliw, subalit walang takot na tanungin ang sarili, "Paano ako tumutugon sa salita ng Diyos? "Sumasang-ayon ba lamang ako o lubusan kong tinatanggap ito?"
Kamakailan, may mga matalik akong kaibigan na dumating sa pagkaunawa na nangungusap sa kanila ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang salita subalit hindi ito isinasabuhay.
Inisip nilang sinunod nila si Jesus. Ang lahat sa paligid nila'y ganun din ang iniisip, subalit sa masusing pagsiyasat, nalaman nilang hindi ganun. Nanangis sila sa matinding pighati sa mga nasayang na panahon, pagkakataon, at sa naging bunga ng kanilang pagsuway sa buhay ng kanilang mga anak at pamilya. Napagtanto nilang sinusubukan nilang sumunod kay Jesus na hindi namamatay sa sarili. Sinuman ay hindi makasusunod kay Jesus nang hindi lubusang susuko sa Kanya.
"Ang mga nakikinig at tumutupad ng salita ng Diyos ang siya kong ina at mga kapatid." May hindi matatanggal na ugnayan sa pag-ibig at pagsunod. Maaring ika'y abala, nahihimbing, o napagtatagumpayan ng iyong kalagayan kaya hindi ka makapokus sa salita ng Diyos at seryosohin ito. Maaring may mga dahilan ka. Subalit maliwanag ang salita ni Jesus:
Lucas 14:26
"Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin."
Luke 14:33
"Gayundin naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman kung hindi niya tatalikuran ang lahat sa kanyang buhay."
Lubha mang masakit, magtanong sa sarili: "Sumasang-ayon lamang ba ako sa salita ng Diyos o sumusunod din ako dito?"
Mas mabuting manangis ngayon kaysa sa huli. Humingi sa Diyos ng Kanyang tulong, habag sa iyo na isang makasalanan. Aminin ang kawalang-pagpapahalaga, takot, at kawalan ng pananampalataya. Hilingin sa Kanya ang grasya para maisuko mong lahat. Ano ang maaring katumbas nito? Kawalan ng kontrol? Posibleng pagkabigo? Kawalan ng identidad? Pagtanggap na ang lahat ay hindi gaya ng nasa isip?
"O Panginoon, tulungan mo akong makitang hindi Mo nais kuhain ang lahat sa akin, subalit nais Mong magkaloob ng masaganang buhay! Nais Mong ikaloob ang buhay Mo!"

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/