Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

ARAW 2 NG 40

PANIMULA: Pagtatanim sa Iyong Hardin para sa Masaganang Ani

Ang binhi na hindi nabubulok - ang salita ng Diyos! (1 Pedro 1:23, Lucas 8:11). Ilang taon na ang nakalipas, nakatagpo ang mga arkeologo ng mga binhi sa piramid. Ang mga binhi ay libong taon na galing pa sa panahong 2500 BC. Nang itinanim sa mayamang lupa, ang 4500-taong binhi ng trigo ay umusbong at tumubo! "Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buháy at di nagbabagong salita ng Diyos. Ayon sa kasulatan, 'Ang lahat ng tao ay tulad ng damo, gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan. Ang damo ay nalalanta, at kumukupas naman ang bulaklak, ngunit ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman." (1 Pedro 1:23-25).

Sa kanyang liham sa mga Taga-Efeso, sinusubukan ni Pablong kumbinsihin ang mga mananampalataya na magagap ang hindi kayang unawaing pamana na ipinagkaloob sa kanila nang sila'y maging kasapi ng pamilya ng Diyos! Lahat tayo'y napagkalooban ng labis-labis sa kaya nating gamitin, at sa kasamaang palad, ang lahat ng mga regalong ito'y nasa loob ng imbakan dahil hindi natin nauunawaan ang maging "sa Kanya". Hangga't hindi natin inaangkin ng may pananampalataya ang pamana sa atin, mananatili itong nakatago at natutulog, walang buhay at walang bunga.

Buksan natin ang mga imbakang ito, tipunin ang mga binhi, itanim sa matabang lupa at umani ng marangya sa walang hanggang anihan! Kailangan nating hingin sa Diyos na maitanim sa ating mga puso ang Kanyang salita, at isabuhay ito ng may pananampalataya. Sabi ng Bibliya na ang pananampalataya ay regalo, nakamtan "bunga ng pakikinig, at ang pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo!" (Mga Taga-Roma 10:17). Ilagay natin ang ating mga sarili para "marinig" ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagtuon sa Kanyang mga salita, pag-aaral ng Kanyang salita, at pagmumuni-munihan ito. Sa pagkarinig ng salita sa kapangyarihan ng Ispirito Santo, kailangan nating paniwalaan ito at mamuhay ayon sa kapangyarihan ng Ispirito Santo. Sa ganitong paraan, tayo'y nagtatanim ng mga binhi ng kabanalan sa ating mga puso na mag-aani ng kabanalan.

MAGTAPOS SA PANALANGIN

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Seeds of Spring: A Woman's 40-day Journey

Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.

More

We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/