Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
IHANDA ANG LUPA
Basahin ang Lucas 8:4-8.
Ang binhi ng Diyos na inihasik sa mabuting lupa ay ang tanging binhi na nagbibigay bunga. Ano kaya ang hitsura ng "mabuti at tapat" na puso? Anong uri ng tagapakinig ito? Ito ang uri na matapos marinig ang salita ng Diyos ay isinasapuso ito, nakikinig, nagsisisi, at sumusunod. Ito ang puso na kung saan ang binhi ay nag-uugat, sumisibol, at nagbubunga ng mayabong na prutas.
Paano mo tinatanggap ang salita ng Diyos?
Sinabi sa atin ni Hesus ang parabulang ito upang tulungan tayong suriin ang ating mga sarili: Ako ba ay mayroong mga tainga upang makarinig? Ako ba ay mayroong pusong kayang tumugon sa ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisisi, paniniwala, at pagsunod?
Bilang pagtanaw sa aking buhay bilang isang mananampalatayang Kristiyano, aking napagtanto na sa loob ng unang sampung taon ay sinakal ng mga makamundong damo ang salita ng Diyos. Minahal ko ang mga materyal na bagay sa mundo. Ang "tunay na buhay" ay sadyang napakahalaga para sa akin. Nahulog sa lupa ng aking puso ang Salita ng Diyos at nagsimulang lumago, ngunit ang mga isyu at mga alalahanin ng mundo ito ay sadyang naging mas matimbang kaysa kahalagahan ng Panginoon at ng Kanyang kaharian. Salamat sa Kanya at hindi Niya ako iniwan; Ako'y kanyang sinagip. Para bang nagdala siya ng rototiller upang araruhin ang aking puso. Ngunit hindi pa iyon naging sapat. Ganap Niyang pinalitan ng bago ang aking puso. Ang binhi na kanyang itinanim ay nag-ugat at lumago. Simula noon, ang pusong ito ay nag-iba. Buong pusong na itong nagagalak sa Kanyang mga alituntunin!
Basahin ang Awit 1.
Kung ang iyong puso ay nagagalak sa Diyos at sa Kanyang mga salita, papurihan at pasalamatan Siya! Pasalamatan Siya sa Kanyang napakadakila at walang katumbas na regalong kanyang ibinigay sa iyo at alagaan mo ito! Kung ang iyong puso ay hindi nalulugod sa kanyang mga alituntunin, huwag mawalan ng pag-asa, huwag sumuko, at huwag Siyang talikuran. Ikumpisal mo ito sa Panginoon. Walang sinuman ang may kapangyarihan upang linanging mabuti nang mag-isa ang lupain ng kanilang puso. Hingin sa Panginoon na ikaw ay patawarin at alisin sa iyong puso ang lahat ng kasamaan. "Panginoon, pahitulutan Mo ang iyong mga salita na tumagos sa aming mga puso upang makapagbunga ng isang buong pag-aani ng katuwiran!"
Sa mga susunod na mga linggo, isapuso ang salita ng Diyos at hilingin sa kanyang tulungan kang matanggap ito sa pamamagitan ng pananampalataya at pagkatapos ay isabuhay ito sa pamamagitan ng pagsunod. Hingin ang Kanyang tulong upang makayanan mong pasanin ang buong pag-aani ng katuwiran.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/