Mga Binhi ng Tagsibol: 40-araw ng Paglalakbay para sa KababaihanHalimbawa
IHANDA ANG LUPA
Basahin ang Lucas 8:9-15.
Nagpatuloy si Hesus sa mga nayon habang ipinapahayag ang magandang balita ng kaharian ng Diyos. Maraming tao mula sa iba't-ibang bayan ang nagsipuntahan sa Kanya. Noong nakita niya ang lipon ng mga tao ay nagsabi Siya ng isang parabula. Marami ang sumunod kay Hesus. At sa mga taong nais makinig, inilarawan ni Hesus kung paano ang binhi, ang Kanyang salita, ay maaring mahulog sa apat na iba't ibang uri ng puso:
Ang ilan ay nahulog sa daan. At ang ilan ay nahulog sa batuhan. At ang ilan ay nahulog sa mga tinik.
At ang ilan ay nahulog sa mabuting lupa at lumago at nagbunga ng sandaang beses.
Pagkatapos ay tinawag sila ni Hesus at sinabi niya sa mga ito: "Makinig ang may pandinig." Tunay nga na iisang uri lamang ng puso ang tunay na makaririnig. Malinaw na mayroong talagang mga hindi nakikinig. At sa mga taong nais makinig, ilan lang rin ang nais talagang makarinig .
Ayon kay JC Ryle, ang parabulang ito ay isang pandaigdigang nagaganap o parable of universal application. Ang mga bagay na tinutukoy dito ay patuloy pa ring nagaganap sa bawat pagtitipon ng mga tao kung saan ang ebanghelyo ay ipinapangaral. Ang apat na mga uri ng puso na inilalarawan dito ay matatagpuan sa bawat pagpupulong ng nakaririnig ng Salita. Sa kadahilanang ito ay nararapat lamang na basahin natin ang parabulang ito ng masinsinan. Dapat nating sabihin sa ating sarili, habang ito ay binabasa, "Ito ay patungkol sa akin. Kasamang binabanggit ang aking puso dito sa parabula. Ako, rin, ay narito."
"Makinig ang may pandinig."
Ang ating mga puso ay kinakatawan sa isa sa mga ito. Hingin ang tulong ng Panginoon sa linggong ito upang makita mo ang kundisyon ng iyong puso.
Purihin ang Diyos para sa pagdadala sa iyo ng kanyang salita.
Aminin ang iyong pangangailangan para sa kanyang Espiritu upang ibunyag ang tunay na kalagayan ng iyong puso.
Pasalamatan ang Diyos sa pagpapalapit niya sa iyo.
Hilingin sa Diyos na tulungan ang iyong puso na maging mapagpakumbaba at handa upang tanggapin ang Kanyang katotohanan.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kalimitang gumagamit ang Bibliya ng iba't ibang panahon upang isalarawan ang mga ginagawa ng Diyos sa atin. Inihahalintulad ng 40-araw na gabay na ito sa halamanan ang paglago kay Kristo. Bawat araw ay makatatanggap ka ng "Binhi ng Katotohanan" (Banal na Kasulatan) kasama ang mga alituntunin kung paano "Itanim ng Binhi" (isapuso) at "Diligan ang Binhi" (isabuhay). Magalak! Ang Panginoon ay magtatanim ng isang magandang halamanan na puno ng Kanyang katangian sa inyong mga puso - nag-uumapaw sa kabuuan ng Diyos. Ang gabay na ito ay pinakamainam para sa mga nanay, dalaga, at mag-aaral sa kolehiyo.
More
We would like to thank Thistlebend Ministries and author Laurie Aker for providing this plan. For more information, please visit: http://www.thistlebend.org/