Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagsubok Sa PananampalatayaHalimbawa

Ang Pagsubok Sa Pananampalataya

ARAW 1 NG 5

PAGLAGALAG


Nagpadala si Moises ng labindalawang tiktik upang tiktikan ang Canaan. Sampu sa kanila ang nagdala ng masamang balita tungkol sa lupain na nagpahina ng loob ng mga Israelita. Ang dalawa pa, sina Joshua at Caleb, ay piniling maging kaiba. Hindi nila tinanggihan ang mga katotohanan tungkol sa Canaan, ngunit naniniwala sila sa Diyos na nangako na ibibigay ang lupain sa Israel. Tiwala sila na ang Panginoon na nangako ay tiyak na makakayanan ng bansa na harapin ang anumang mga paghihirap na maaaring dumating sa kanila. Gayunman, ayaw maniwala ng mga Israelita. Bilang resulta, idineklara ng Diyos ang kanyang poot at ang mga tao ay kailangang makatanggap muli ng parusa.

Natatangi, sina Joshua at Caleb ay nagbahagi din ng mga kahihinatnan ng matigas na puso ng mga Israelita. Hindi sila pinagpala ng Diyos sa pamamagitan ng di paghintulot na makapasok nang mas maaga sa Canaan. Dapat din silang maglagalag kasama ang kanilang matigas na ulong bansa. Nangangahulugan ito na kailangan din nilang ipagtanggol ang kanilang pananampalataya araw-araw sa kanilang mga hindi naniniwala na kababayan. Kailangan nilang tumayo bilang maliit na grupo sa loob ng apatnapung taon! Hindi ito isang madaling bagay, hindi ba?

Ang kanilang mga pakikibaka ay hindi madali. Ang panggigipit mula sa kanilang mga kababayan sa loob ng mahabang panahon ay tiyak na hindi isang madaling bagay na kaharapin. Gayunpaman, nagawa nilang lagpasan ang mga nakababahalang araw na iyon habang nananampalataya sa mga pangako ng Diyos sa kanila. Sa wakas ay nakapasok din sila sa Canaan kasama ang bagong henerasyon ng mga Israelita. Oo, ang lahat mula sa matandang henerasyon, kasama ang sampung mga tiktik na nagpahina ng loob nila  40 taon na ang nakakaraan, ay namatay sa ilang. Ipinapakita nito na nakatago sa kanilang puso ang mga pangako ng Diyos. Ang paglalagalag na kanilang pinagdaanan ay hindi isang parusa para sa kanila subalit naging panahon ng paglilinis sa kanilang pananampalataya.

Ang ating pananampalataya sa Panginoon ay hindi laging nagdudulot ng agarang mga resulta. Ang pananampalataya ay dapat subukan sa pamamagitan ng hindi kanais-nais na mga pangyayari at sitwasyon upang mapatunayan ang kadalisayan nito. Ang mga karanasan nina Joshua at Caleb ay nagpalakas at naghinang ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng mga hamon. Ang kanilang halimbawa ay nagbigay inspirasyon sa atin na huwag panghinaan ng loob sa kinakaharap natin na pagsubok sa araw-araw . Oo, ang ating pananampalataya ay nasusubok araw-araw habang tayo ay naglalagalag sa mundong ito.

Debosyonal ngayon

1. Paano sinusubok ang ating pananampalataya? Ibahagi ito sa iba.

2. Ano ang madalas na nangyayari sa pagsubok ng pananampalataya? Bakit nagagawa nating dumaan sa pagsubok na iyon? Kung nabigo tayo, ano ang dahilan ng kabiguang iyon?

Gawin ngayon

Ang pananampalatayang hindi nasubok ay walang halaga. Manatiling kalmado kapag nararanasan natin ang pagsubok sa ating pananampalataya.


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pagsubok Sa Pananampalataya

Sapat ba ang ating lakas kapag sinubok ang ating pananampalataya? Gaano tayo katatag? Papasahan ba natin ang pagsubok sa ating pananampalataya? Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa atin na maunawaan ang kahulugan ng Pagsubok ng Pananampalataya. Mapasahan nawa nating lahat ang bawat pagsubok ng pananampalataya na nangyayari sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://cassi.thewardro.be/26487