Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagsubok Sa PananampalatayaHalimbawa

Ang Pagsubok Sa Pananampalataya

ARAW 4 NG 5

ANG TAO NG PANALANGIN


Kinakailangan nating mamuhay na nakatuon sa  isang layunin. Para saan ba tayo nabubuhay? Ano ang ginagawa natin dito at para saan? Nagtatakda tayo ng mga layunin nang sadya o hindi sinasadya. Nagtatakda din tayo ng mga layunin sa negosyo at karera. Nagtatakda tayo ng mga layunin sa pananalapi ng ating pamilya. May mga bagay na nais nating makamit at nagtatakda tayo ng mga layunin upang maganyak itong isakatuparan.

Kadalasan mahirap isabuhay ang parehong bagay para sa mga bagay na espiritwal dahil sa kahirapan na mabilang o masukat ito sa isang kongkretong paraan. Hindi natin masasabi, "Nais kong umusad mula 6 hanggang 8 sa isang sukatang pang-espiritwal." Ang ating espiritwal na kalusugan ay hindi masusukat sa ganitong paraan. Gayunpaman, totoo pa rin na dapat magkaroon tayo ng isang espiritwal na layunin sa buhay. Dapat tayong maging mga taong may pananampalataya at mapanalanginin tulad ni Elijah.

Oo, alam natin na si Elijah ay hindi isang perpektong tao. Naranasan din niya ang kawalan ng pag-asa, takot, at pag-aalinlangan. Gayunpaman, ang kilalang katangian ng kabuuan ng kanyang paglalakad kasama ang Diyos ay hindi ang mga negatibong bagay na ito, kundi ang pananampalataya. Natuto siyang magtiwala sa Diyos nang buo sa kanyang buhay. Tiwala siyang nanalangin para sa kapangyarihan ng Diyos at nakita niya ang katibayan ng kapangyarihan ng Diyos kapwa sa pamamagitan ng nagniningas na apoy at ng munting tinig na narinig niya. Nang manalangin siya - buong tiwala siya sa Panginoon na kaya Niyang gawin ang mga dakilang bagay

Kailangan nating matuto tulad ni Elijah - upang maging isang mapanalangining tao na may dakilang pananampalataya. Ang pananampalataya at buhay pananalangin ni Elijah ay pumukaw sa atin upang mamuhay sa ganitong paraan. Ang layuning ito ay hindi isang pangarap at isang bagay na imposibleng matupad. Gayunpaman, hindi rin ito isang bagay na madali nating makakamit sa maikling panahon. Marahil, kailangan nating magpatuloy sa pakikibaka hanggang sa tayo ay maging tunay na mga taong may pananampalataya at panalanginin. Ang kaluwalhatian ng Diyos na naghihintay sa atin ay higit pa sa naiisip natin.

Manatili tayong masigasig upang lumago sa pag-unawa at pagsasanay ng pananampalataya at panalangin. Hindi tayo manghihina sa gitna ng pakikibakang ito. Patuloy tayong umasa sa Diyos na gumawa ng mga dakilang gawa, hindi dahil sa mga resulta ng ating mga hangarin sa espiritu, kundi dahil Siya ay talagang isang malaki, dakila, makapangyarihan, at mabuting Diyos

Debosyonal ngayon

1. Anong uri ng buhay ng pananampalataya at panalangin ang mayroon tayo ngayon?

2. Anong paglago ang ating hinahabol at pinagsisikapan sa ngayon?


Gawin ngayon

Tayo ay maging isang taong may pananampalataya at mapanalanginin! Ito ay isang proseso at maaari natin itong simulan ngayon.


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pagsubok Sa Pananampalataya

Sapat ba ang ating lakas kapag sinubok ang ating pananampalataya? Gaano tayo katatag? Papasahan ba natin ang pagsubok sa ating pananampalataya? Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa atin na maunawaan ang kahulugan ng Pagsubok ng Pananampalataya. Mapasahan nawa nating lahat ang bawat pagsubok ng pananampalataya na nangyayari sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://cassi.thewardro.be/26487