Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Pagsubok Sa PananampalatayaHalimbawa

Ang Pagsubok Sa Pananampalataya

ARAW 2 NG 5

ANG MATIBAY NA UGAT


Ang pinakamalaking puno sa mundo ay matatagpuan sa Giant Forest, America. Ang punong ito ay isang puno ng Giant Sequoia na pinangalanang "General Sherman". Ang puno, na tinatayang nasa 2,200 taong gulang, ay may lapad ng katawan na 1,487m3 at taas na 83.8 metro noong 2002. Ang mga sanga ay malago at berde, na nagbibigay ng  lilim at kagandahan. Ang puno ay bilog at tuwid at ang katawan ng kahoy ay mataas. Sa paglipas ng mga taon ang punong ito ay lantad sa malakas na hangin, malakas na ulan, niyebe, at kapwa mainit at malamig na panahon. Tila ang mga ugat ng punong ito ay napakalalim at napakatibay.

Ang higanteng punong ito ay katulad ng ating buhay Kristiyano. Tayong lahat ay lantad sa karamdaman, pagkamatay ng mga mahal sa buhay, pagkaputol ng mga relasyon, at iba pang mga pagsubok. Gaano tayo katatag na tumayo sa harap ng kahirapan? Sapat ba ang ating pananampalataya? Sapat ba ang lalim natin sa Salita ng Diyos upang makatiis sa lahat ng bagyo, pagbabago, at malamig na panahon ng buhay na ito? Tinitiyak sa atin ni Jeremias na ang Diyos ay nagmamalasakit sa atin anuman ang ating kinakaharap, basta magtiwala tayo at umasa sa Kanya.

Kailangan nating bigyang-pansin na ang mga pagpapala ng mga umaasa sa Diyos at naniniwala sa Kanya ay hindi lamang pisikal o materyal na bagay. Mas pinahahalagahan ng Diyos ang ating pananampalataya at kabanalan. Nais Niyang magpatuloy tayong mamunga ng mga bunga ng Espiritu Santo na luluwalhati sa Kanya.

Anumang hinaharap natin ngayon, magtiwala tayo sa Diyos at patuloy na umasa sa Kanya. Walang problema na hindi kayang harapin ng isang naniniwala. Pagtuunan ang ating paglago sa espiritu upang makatiis tayo sa anumang bagay.


Debosyonal ngayon

1. Kung inihahalintulad tayo sa isang puno, anong uri tayong puno?

2. Sapat ba ang kalakasan natin ngayon upang harapin ang iba`t ibang mga paghihirap at hamon?

Ano ang mangyayari kung sapat ang ating lakas at ano ang mangyayari kung hindi sapat ang ating kalakasan?


Gawin ngayon

Ngayon, gumawa tayo ng isang kasanayang espiritwal na magpapalakas sa ating espiritu. Patuloy itong gawin araw-araw at tingnan ang mga resulta!


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Pagsubok Sa Pananampalataya

Sapat ba ang ating lakas kapag sinubok ang ating pananampalataya? Gaano tayo katatag? Papasahan ba natin ang pagsubok sa ating pananampalataya? Ang debosyonal na ito ay makakatulong sa atin na maunawaan ang kahulugan ng Pagsubok ng Pananampalataya. Mapasahan nawa nating lahat ang bawat pagsubok ng pananampalataya na nangyayari sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://cassi.thewardro.be/26487