Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagiging InaHalimbawa

Pagiging Ina

ARAW 2 NG 3

Ang Biblia Ayon Sa Salin ng Ina


May apat na pastor ang tumatalakay sa mga pakinabang ng iba`t ibang mga pagsasalin sa Biblia.

Gusto ng isa ang salin ng King James dahil sa pagiging simple at magandang Ingles.

Ang isa pa ay gusto ang bersyon ng American Standard sapagkat ito ay mas literal at mas malapit sa orihinal na Hebreo at Griyego.

Ang pangatlo ay nagustuhan ang pagsasalin ni Moffat dahil sa pinakabagong bokabularyo nito.

Ang ikaapat na pastor ay tahimik. Nang tanungin upang ipahayag ang kanyang opinyon, sinabi niya, "Mas gusto ko ang pagsasalin ng aking ina."

Ang iba pang tatlong tao na nakarinig nito ay nagulat. "Opo," sagot niya. "Isinasalin ng aking ina ang Biblia sa pang-araw-araw niyang buhay, at ito ang pinakapani-paniwala na pagsasalin na nakita ko."

- Emergency Post


Ang puso ng isang ina ay ang espasyo sa pag-aaral ng isang bata.

(Henry Ward Beecher)


Mga Kawikaan 31:28

“Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak:”


Pagninilay:

Ang iyong kuwento ay isang kuwento na madalas sabihin ng iyong mga anak. Ipagmamalaki nila na magkuwento. Sasabihin nila sa iyo kung paano mo sila tinuruan sa katotohanan ng salita ng Diyos. Nangangahulugan ito hindi man tuwiran subalit nanganak ka ng mga saksi ni Cristo sa iyong henerasyon. Ang galing, di ba?


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Pagiging Ina

Ang pinakamahalagang gawain ng isang ina ay alagaan at palakihin ang kanyang mga anak. Mahalin at ipadama ang pag-ibig at seguridad sa kanila. Ang debosyon na ito ay magpapalakas ng mga ina upang akayin at gabayan ang kanilang mga anak sa banal na pagkatakot sa Dios.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg