Paglakad Kasama Ni HesusHalimbawa
ANG PANGAKO NA MAGING TAPAT
Sumagot ang amo niya, ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi sa aking kaligayahan!’ (Mateo 25:21)
Ayon sa diksyunaryo ng Indonesia, ang ibig sabihin ng "tapat" ay pagsunod, gaano man kahirap ang isang gawain. Ang pagiging tapat ay nangangahulugan din ng pagpupursige at katatagan (sa pagkakaibigan), at pananangan ng mahigpit (sa paninindigan at pangako ng isang tao). Nagpakita ng halimbawa sa atin ang Panginoong Hesus sa pamamagitan ng hindi lamang pagbibigay ng pangako kundi pagbibigay ng konkretong patunay ng Kanyang katapatan noong Siya ay ipinako sa krus para sa atin.
Isa sa mga pinaka-tapat na hayop ay ang aso. Ang mga aso ay may malakas na paningin, pandinig, at amoy. Posibleng sanayin ang isang aso sa mas mataas na pamantayan ng katalinuhan. Sa Kanlurang parte ng mundo, sinasanay nila ang mga aso bilang mga sniffer dog para mahuli ang mga terorista at nagbebenta ng droga. May mga asong eksperto sa mga sakuna, sinanay sila upang maghanap ng mga taong natabunan sa pagguho ng lupa o natural na lindol. Ang ibang tao naman ay nagsasanay ng mga aso bilang gabay na aso, lalo na para sa mga may kapansanan sa pandinig o paningin, upang sila ay makapunta sa mga mataong lugar, tulad ng mga tindahan o mga bangko. Napaka-tapat ng mga aso. Naghihintay lamang sila at nagbabantay sa kanilang amo. Handa pa silang tumulong kapag may problema ang kanilang amo. Ang mga aso ay kilala sa kanilang katapatan at tapang na harapin kahit na ang pinaka-nakakatakot na panganib.
Ang Mateo kabanata 25 ay nagsasabi tungkol sa isang talinghaga ng mga talento. Ang talinghagang ito ay nagsasabi sa atin tungkol sa katapatan ng mga alipin sa kanilang panginoon. May isang alipin na tumanggap ng limang talento at dalawang talento. Pareho silang nagpakita ng kanilang katapatan sa kanilang panginoon sa pamamagitan ng pagkita ng dalawang beses sa ibinigay sa kanila. Gayunpaman, ang alipin na nakatanggap ng isang talento ay hindi nagpakita ng kanyang katapatan sa kanyang panginoon. Dahil dito, mababasa natin sa bersikulo 30 na ang aliping ito ay itinapon sa pinakamadilim na kadiliman. Manatili tayong tapat kahit na tayo ay napapaharap sa mga mabibigat na pasanin at balakid.
Pagninilay:
1. Kumusta ang iyong buhay Kristiyano? Tapat ka pa ba kay Hesus, ang Panginoon ng mga panginoon?
2. Naibigay mo na ba ang pinakamabuting kakayanan sa Kanya?
Aplikasyon:
Gumawa ng mga tamang pagpapasya sa bawat oras at araw-araw upang manatiling tapat sa ating Panginoong Hesukristo!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tutulungan tayo ng debosyonal na ito na humakbang sa buhay na naaayon sa Diyos.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/