Paglakad Kasama Ni HesusHalimbawa
TUMINGIN SA KINABUKASAN
Mga kapatid, hindi ko sinasabing naabot ko na ang ganap na buhay. Ngunit ito ang ginagawa ko ngayon: Kinakalimutan ko na ang nakaraan at pinagsisikapan kong makamtan ang nasa hinaharap. Tulad ng isang manlalaro, nagpapatuloy ako hanggang makamtan ko ang gantimpala na walang iba kundi ang pagtawag sa akin ng Dios na makapamuhay sa langit sa pamamagitan ni Cristo Jesus. (Filipos 3:13-14)
Ang paglalakbay sa buhay ay nangangahulugan nang pag-alis sa nakaraan, pagiging aktibo sa kasalukuyan, at paglalakad patungo sa mga layunin sa hinaharap. Gayunpaman, ang mga nakaraang karanasan ng tagumpay o kabiguan ay maaaring maging bitag sa marami sa atin. Kung nananatili tayo sa ating nakaraan nagpapatunay ito na hindi natin nais harapin ang ngayon, samakatuwid, mahihirapan tayong makita ang mga plano ng Diyos para sa ating kinabukasan.
Ang madalas na pagbabalik-tanaw sa nakaraan ay magdudulot sa atin na hindi manalig sa kasalukuyan. Dahil dito hindi tayo magiging masigasig at palaging emosyonal na nagnanais balikan lagi ang nakaraan. Sa ganitong sitwasyon mas madali tayong matukso at mahikayat ng diyablo.
Bilang mga mananampalataya, kailangan nating baguhin ang ating pananaw upang makita natin ang ating layunin. Hindi na tayo nakagapos o nahahadlangan ng ating mga nakaraang karanasan sa buhay. Iwanan ang lahat ng mga bagay sa likod natin nang buong tapang, at makikita natin ang ibinigay na biyaya ng Diyos sa atin.
Hindi tumitigil ang Diyos sa pagtuturo sa atin sa pamamagitan ng lakbayin ng ating buhay mula sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Idirekta ang ating layunin sa buhay na palaging tumanaw ng may pananampalataya dahil ang kinabukasan at hinaharap ay higit na mas mabuti, mas maganda, perpekto, at marangal.
Pagninilay:
1. Nakakapit ka pa rin ba sa iyong nakaraan? Kung gayon, paano mo aalisin ang iyong sarili rito?
2. Paano mo nakikita ang iyong sarili sa lima hanggang sampung taon mula ngayon? Mas mapabubuti ka ba o mas mapapasama?
Aplikasyon:
Kalimutan ang nakaraan at itakda ang iyong buhay sa layunin na ang mga mata ay nakatingin sa Panginoong Hesukristo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tutulungan tayo ng debosyonal na ito na humakbang sa buhay na naaayon sa Diyos.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/