21 Araw upang Mag-umapawHalimbawa
Kamunduhan
Sinisimulan natin ang paglalakbay na ito sa pamamagitan ng pagtatanggal ng anumang naaayon sa sarili natin. Sinasabi sa atin ng Biblia, bilang mga tagasunod ni Cristo, tayong mga binili ng dugo ni Jesus, na puspos ng Espiritu, na hindi natin dapat ibigin ang mga bagay ng mundong ito. Alam kong malaking kaibahan ito sa marami sa mga bagay na itinuturo ngayon, ngunit dapat nating malaman na, bilang mga tagasunod ni Cristo, dapat nating itakwil ang ating sarili, pasanin ang ating krus, at sundin si Jesus.
Sinabi sa atin ni apostol Pablo sa Mga Taga-Roma 12 na hindi tayo dapat sumunod sa nakaugalian ng mundong ito, kundi dapat tayong magbago sa pamamagitan ng pagbabago ng ating pag-iisip, upang mapatunayan natin ang mabuti, katanggap-tanggap, at perpektong kalooban ng Diyos. Ang salitang ito, pagbabago, ay nagmula sa salitang Griyego na anakainosis, na nangangahulugang ayusin. Sa kontekstong ito, nangangahulugang aalisin natin ang ating mga lumang makamundong paraan ng pag-iisip, pagkilos, at pamumuhay at papalitan ang mga ito ng mga bagay ng Diyos.
Sa 1 Juan 2:15-20, mahigpit tayong binabalaan nito tungkol sa mga umiibig sa sanlibutan, kung ano ang idudulot nito, at kung ano ang tunay na kahulugan nito. Sinasabi nitong kung ang sinuman ang umiibig sa mundo, ang pag-ibig ng Ama ay wala sa kanila. Ito rin ay nagsasabi tungkol sa pagiging pansamantala lamang ng mundong ito at sa mga pagnanasa nito. Ngunit ang mga gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman.
Habang sinisimulan natin ang 21-araw na planong ito, dapat tayong magsikap na alisin sa ating sarili ang pagmamahal sa mundo. Hindi tayo maaaring maglingkod sa dalawang panginoon - dapat nating piliin ang Diyos o ang mundo. Kapag pinili natin ang Diyos, dapat nating alisin sa ating sarili ang di-makadiyos na pag-ibig na nananatili pa rin sa ating mga puso.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa planong 21Araw Upang Mag-umapaw ng YouVersion, dadalhin ni Jeremiah Hosford ang mga mambabasa sa 3-linggong paglalakbay ng pagtatanggal ng anumang mula sa sarili, pagiging puspos ng Banal na Espiritu, at pamumuhay sa isang nag-uumapaw, puno ng Espiritung buhay. Panahon na upang huminto sa pamumuhay nang normal at magsimulang mamuhay ng umaapaw na buhay!
More