21 Araw upang Mag-umapawHalimbawa
Espirituwal na Pagkauhaw
Nagawa mo! Nakapagpatuloy ka sa masakit at mapanghamong gawain ng pag-aalis sa iyong sarili ng lahat ng bagay na hahadlang sa iyong pagtanggap ng lahat ng mayroon ang Diyos para sa iyo. Sa nakalipas na pitong araw, nagpakumbaba ka, sinuri ang iyong sarili, at inalis ang iyong sarili sa mga bagay na nagbibigay-kasiyahan lamang sa iyong laman. Hindi ito naging madali, ngunit naging sulit ito.
Sa susunod na pitong araw, itinatakda natin ang ating mga puso sa pagpuspos ng Banal na Espiritu. Ang puwang na nilikha natin sa ating buhay ay malapit nang mapuno ng kapuspusan ng Diyos. May pagbabagong walang kaparis na darating sa iyong buhay. Maghanda para sa pagbabago ng buhay.
Sa Juan 4:13-14, inilalarawan ang espirituwal na pagkauhaw. Ang mga bagay ng mundong ito – ang tubig na unang binanggit ni Jesus – ay pansamantalang magpapawi ng iyong uhaw, ngunit ikaw ay muling mauuhaw. Pagkatapos ay nagsalita Siya tungkol sa tubig na hindi ka na muling mauuhaw. Ang tubig na ito ay ang Banal na Espiritu. Ito ang tubig na dapat nating hangarin.
Sa Juan 7:37-39, ipinagpapatuloy ito ni Jesus nang sabihin Niya, “Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin." Upang matanggap ang Espiritu, itong walang hanggang tubig, kailangan nating tanggapin si Jesus at maniwala sa sinabi Niya sa atin sa Salita ng Diyos.
Hindi tayo dapat na kumikilos nang parang walang kabuluhan. Dapat tayong mauhaw sa sariwa at buhay na tubig na tanging ang Banal na Espiritu ang makapagbibigay.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa planong 21Araw Upang Mag-umapaw ng YouVersion, dadalhin ni Jeremiah Hosford ang mga mambabasa sa 3-linggong paglalakbay ng pagtatanggal ng anumang mula sa sarili, pagiging puspos ng Banal na Espiritu, at pamumuhay sa isang nag-uumapaw, puno ng Espiritung buhay. Panahon na upang huminto sa pamumuhay nang normal at magsimulang mamuhay ng umaapaw na buhay!
More