Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

21 Araw upang Mag-umapawHalimbawa

21 Days to Overflow

ARAW 11 NG 21

Pagdaragdag ng Aking Pagmamahal sa Diyos

Sa Lucas 10:25-37, dalawang bagay ang tinatalakay ni Jesus. Hindi lamang Niya isinalalay ang bawat utos at propesiya sa dalawang bagay, Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at buong pag-iisip; at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili, kundi pinagsasama rin Niya ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa mga tao. Itinuro ni Jesus sa nagtatanong kung ano ang itinuro sa atin ng Biblia: habang mas minamahal natin ang Diyos, mas mamahalin natin ang mga tao. Habang mas nagpapakita tayo ng awa sa mga tao, mas ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos. Hindi tayo kailanman mapupuspos ng Banal na Espiritu nang hindi tayo makakalakad sa pag-ibig.

Kung napopoot tayo sa mga tao dahil sa kanilang lahi, etnisidad, kung ano ang kanilang ginawa sa atin, o kung ano ang kanilang sinabi tungkol sa atin, sinasabi sa atin ng Biblia na tayo ay mamamatay-tao. Alam natin na ang mga mamamatay-tao ay walang lugar sa Kaharian ng Diyos. Upang makalakad sa Espiritu, dapat tayong lumakad sa pag-ibig. Tandaan, lahat ng mga utos ay nakasalalay sa pag-ibig.

Tingnan natin ang 1 Juan 2:15-17, na nabasa natin kanina sa gabay na ito. Ito ay nangungusap tungkol sa mga umiibig sa Diyos at sa mga umiibig sa mundo. Pansinin na mayroong dalawang magkahiwalay na kategorya. Nilinaw ng talata na ang mga nagtataglay ng pag-ibig sa mundo at sa panandaliang kasiyahan nito ay walang pag-ibig sa Ama .

Sa pagwawakas, isinulat ang Juan 14:21 upang turuan tayong ipakita ang ating pagmamahal sa Diyos – sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga utos. Kapag sinusunod natin ang Kanyang mga utos, ipinapakita natin sa Kanya na iginagalang natin Siya, may takot tayo sa Kanya, at mahal natin Siya.

Bagama't mahalaga ang pagsamba, ang pagmamahal sa Diyos ay higit pa sa pagsamba sa Kanyang pangalan tuwing Linggo ng umaga. Kailangan nating sundin ang Kanyang mga utos, kailangan nating mahalin ang mga bagay na mahal Niya, at kailangan nating magpakita ng pagmamahal sa isa't isa.

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

21 Days to Overflow

Sa planong 21Araw Upang Mag-umapaw ng YouVersion, dadalhin ni Jeremiah Hosford ang mga mambabasa sa 3-linggong paglalakbay ng pagtatanggal ng anumang mula sa sarili, pagiging puspos ng Banal na Espiritu, at pamumuhay sa isang nag-uumapaw, puno ng Espiritung buhay. Panahon na upang huminto sa pamumuhay nang normal at magsimulang mamuhay ng umaapaw na buhay!

More

Gusto naming pasalamatan ang Four Rivers Media sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.theartofleadership.com/