Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

21 Araw upang Mag-umapawHalimbawa

21 Days to Overflow

ARAW 10 NG 21

Pagwawaksi ng Maaksayang Pamumuhay

Pinapayuhan tayong mamuhay nang maingat at huwag mag-aksaya. Ang isang maaksayang buhay ay isang buhay na isinasabuhay upang luwalhatiin ang ating sarili, ang ating mga hangarin, at ang ating mga balakin nang walang pagsasaalang-alang sa layunin ng Diyos. Ang maingat na buhay ay isang buhay na isinasabuhay upang luwalhatiin ang Diyos, maging kung ano ang Kanyang ninanais, gawin ang Kanyang kalooban, at makita ang Kanyang layunin na natutupad sa ating buhay.

Kapag tayo ay puspos ng Espiritu, malinaw na nakikita ang kaibahan sa ating buhay ng sinumang nakakapansin. Kapag hindi na tayo kumikilos sa limitadong karunungan ng tao, at sa maaksayang paggawi ng tao, malinaw sa lahat na tayo ay kumikilos sa paraang naiiba sa lahat.

Ang Mga Taga-Efeso 5:5-18 ay nagbibigay sa atin ng maraming kaisipan. Ito ay nagsasalita ng salungat sa "walang bungang mga gawa ng kadiliman" at mariing ipinapayo sa atin sa halip na alamin kung ano ang nakalulugod sa Panginoon at ituloy ito. Ano sa palagay mo ang nakalulugod sa Panginoon sa iyong buhay? Buong puso mo ba itong sinusunod?

Ipinagpapatuloy ng 1 Juan 2:16 na ang makalupang pagnanasa ay hindi mula sa Panginoon. Kung kinikilala natin ito, bakit natin sila patuloy na hinahabol? Bakit natin sila patuloy na ginagawang prayoridad kaysa sa alam nating makakapagpasaya sa Panginoon?

Upang simulan ang pagwawaksi sa maaksayang pamumuhay, kailangan nating hilingin sa Diyos na tulungan tayong huminto sa ganitong pamumuhay. Kailangang maihayag Niya kung ano ang mga bagay na maka-Diyos at ano ang mga mabubuting bagay lamang, dahil may mga bagay na nakikita nating mabuti, na hindi naman kasalanan, ngunit maaksaya, dahil hindi nito naisasakatuparan ang layunin ng Diyos sa ating buhay.

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

21 Days to Overflow

Sa planong 21Araw Upang Mag-umapaw ng YouVersion, dadalhin ni Jeremiah Hosford ang mga mambabasa sa 3-linggong paglalakbay ng pagtatanggal ng anumang mula sa sarili, pagiging puspos ng Banal na Espiritu, at pamumuhay sa isang nag-uumapaw, puno ng Espiritung buhay. Panahon na upang huminto sa pamumuhay nang normal at magsimulang mamuhay ng umaapaw na buhay!

More

Gusto naming pasalamatan ang Four Rivers Media sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.theartofleadership.com/