Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

21 Araw upang Mag-umapawHalimbawa

21 Days to Overflow

ARAW 13 NG 21

Paglapit sa Diyos

Ang paglapit sa Diyos ay nangangahulugan na hinahanap natin ang Diyos nang buong puso. Kaya may panalangin at pag-aayuno. Hindi tayo nagpapakagutom bilang protesta para pilitin ang Diyos na gumawa ng isang bagay. Tayo ay hangal na ipagpalagay na kaya nating ipagawa sa Diyos ang anumang bagay. Sa halip, tayo ay nagpapakumbaba sa ating sarili sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno upang baguhin tayo ng Diyos at makalakad tayo sa Kanyang perpektong kalooban. Tinatanggal natin ang mga balakid na humahadlang sa ating mga panalangin na makarating sa mga tainga ng Diyos. Ito ay tungkol sa paghahanap natin sa Diyos ng buong-buo.

Nabasa natin ang isang bahagi ng Santiago 4:1-10 kamakailan sa gabay na ito, ngunit tingnan natin itong muli. Sinasabi nito ang tungkol sa pagmamataas at pagpapasakop. Ito ay tumatawag sa atin na magpasakop sa Diyos upang mas mapalapit sa Kanya at sa lahat ng magagandang bagay na kaakibat ng desisyong ito na magpasakop.

Sa 2 Mga Cronica 15:1-2, makikita natin ang Espiritu ng Diyos na nakikipag-usap kay Azarias, ang anak ni Obed. Sinasabi nito kay Azariah na kung hahanapin niya Siya at ang mga bagay ng Diyos, sasamahan siya ng Diyos. Ngunit kung iiwan Siya ni Azarias at hindi lalapit sa Diyos, pababayaan siya ng Diyos.

Kapag nadungisan ang ating mga puso, nagkakaroon tayo ng pagmamatigas para sa mga bagay ng Diyos. Kapag naging matigas ang ating mga puso sa mga bagay ng Diyos, hindi tayo makakalapit sa Kanya. Upang mapalapit sa Diyos, kailangan kong dalisayin ang aking sarili (alisin ang mga bagay na mula sa akin), sundin ang katotohanan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, at taimtim at tapat na magmahal nang may dalisay na puso.

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

21 Days to Overflow

Sa planong 21Araw Upang Mag-umapaw ng YouVersion, dadalhin ni Jeremiah Hosford ang mga mambabasa sa 3-linggong paglalakbay ng pagtatanggal ng anumang mula sa sarili, pagiging puspos ng Banal na Espiritu, at pamumuhay sa isang nag-uumapaw, puno ng Espiritung buhay. Panahon na upang huminto sa pamumuhay nang normal at magsimulang mamuhay ng umaapaw na buhay!

More

Gusto naming pasalamatan ang Four Rivers Media sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.theartofleadership.com/