Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

21 Araw upang Mag-umapawHalimbawa

21 Days to Overflow

ARAW 16 NG 21

Ang Pagpapahid ng Banal na Espiritu

Nagsimula tayo sa pamamagitan ng pag-aalis sa ating sarili ng mga bagay na nagpaparumi sa ating buhay at sa ating paglalakad kasama ng Diyos. Pagkatapos, pinunan natin ang mga walang lamang lugar na iyon ng Persona at Presensya ng Banal na Espiritu. Ngayon, natututo tayong lumakad sa isang pamumuhay na laging sagana at umaapaw sa Banal na Espiritu. Nagsimula ito sa pagtuklas, o muling pagtuklas, na ang Banal na Espiritu ay talagang gustong makisama sa atin sa tuwina. Ngayon, tayo ay tatahak sa mas malalim na mga bagay.

Kadalasan sa Lumang Tipan, ang tubig ay kumakatawan sa presensya at gawain ng Banal na Espiritu. Habang inilalapat natin ang simbolismo ng propesiyang ito sa ating sariling buhay, makikita natin na may iba't ibang antas ng pagpapahid ng Banal na Espiritu na maaari nating piliing maganap. Para sa ilan sa atin, kumikilos tayo sa isang pagpapahid na hanggang bukong-bukong lamang ang lalim. Ang iba sa atin ay hanggang baywang, ang iba naman ay hanggang leeg. Gayunpaman, may malalakas na agos sa ilog ng Diyos na naglalagay sa atin sa isang posisyon kung saan hindi na natin kailangang tumayo sa ating sarili; sa halip, makagagalaw tayo sa agos ng Diyos.

Sa 1 Juan 2:27, makikita natin ang pagtukoy sa pagpapahid ng Espiritu.

Muli nating nakikita ang pagtukoy sa pagpapahid sa Isaias 10:27, sa gitna ng propesiya ng mga labi ng Israel. Mula sa talatang ito, makikita natin na ang pagpapahid ng Espiritu ay may dakilang kapangyarihan at, gaya ng sinasabi ng talata, ay maaaring "wasakin ang pamatok" at pasanin.

Dapat nating ipagtapat sa harap ng Diyos ang ating pagnanais na makaalis sa hanggang bukung-bukong at hanggang baywang na lalim na ating ginagalawan. Kailangan nating hilingin sa Diyos na itaas ang ating antas doon sa lugar na makalalangoy lamang tayo – sa ganap na pagpapahid ng Espiritu Santo.

Banal na Kasulatan

Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

21 Days to Overflow

Sa planong 21Araw Upang Mag-umapaw ng YouVersion, dadalhin ni Jeremiah Hosford ang mga mambabasa sa 3-linggong paglalakbay ng pagtatanggal ng anumang mula sa sarili, pagiging puspos ng Banal na Espiritu, at pamumuhay sa isang nag-uumapaw, puno ng Espiritung buhay. Panahon na upang huminto sa pamumuhay nang normal at magsimulang mamuhay ng umaapaw na buhay!

More

Gusto naming pasalamatan ang Four Rivers Media sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.theartofleadership.com/