Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

21 Araw upang Mag-umapawHalimbawa

21 Days to Overflow

ARAW 19 NG 21

Nakikita ang Nakikita ng Diyos

Kadalasan, ipinapalagay natin na walang nangyayari kung hindi natin ito nakikita, ngunit hindi ito ang kaso. Ganito mo siya isipin. Kung may trabahong nagaganap sa labas ng lugar na iyong kinaroroonan, at hindi mo ito makita, nangangahulugan ba ito na ang gawain ay hindi nangyayari, dahil sa iyong kawalan ng kakayahang makita ito? O kung hindi mo makita ang loob ng grocery store sa bayan, nangangahulugan ba iyon na walang namimili? Hindi. Gayunpaman, ganito ang pamumuhay na pinipili ng marami sa atin. Tayo ay naligtas, puspos ng Espiritu, at tapat sa Diyos at sa Kanyang simbahan, ngunit hindi natin napapansin ang katotohanan na si Satanas ay patuloy na gumagawa sa larangang ito, at gayundin ang makalangit na hukbo.

Ang mga mata ng ating pang-unawa ay dapat na maliwanagan, upang malaman natin ang pag-asa ng Kanyang pagtawag. Sa ganitong paraan wala tayong mababaw na pang-unawa o kaalaman sa kung ano ang Kanyang tawag. Sa halip, malalaman natin ang lalim ng Kanyang pagtawag. Malalaman natin kung ano ang gusto Niyang gawin sa pagkatawag Niya sa atin.

Sa Mga Taga-Efeso 1:17-21, binabanggit ang tungkol sa kaliwanagang ito. Sinabi ni Pablo na siya ay nananalangin na "Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong isip upang malaman ninyo kung ano ang inyong inaasahan sa kanyang pagkatawag sa inyo."

Kalaunan sa Mga Taga-Efeso 6:12-17, binanggit ni Pablo ang tungkol sa baluti ng Diyos. Ang baluting ito – bagama't bawat isang bahagi nito ay iba – ay bunga ng mas mabuting pagkakaunawa sa Diyos, sa Kanyang katotohanan, sa Kanyang Salita, kaligtasan, at ang pag-angkin sa katuwiran ni Jesus – ang ating panangga. Sa pamamagitan ng baluting ito, maaari nating ipagtanggol ang sarili natin labas sa atake ng kaaway at "patayin" ang nagliliyab na palaso ng diyablo.

Ngunit hindi lamang natin kailangang maging handang magtanggol! Ang ating tabak, na tinatawag ni Pablo na “tabak ng Espiritu,” ay nagbibigay-pahintulot sa atin na makabawi sa kaaway.

Ang pag-apaw na ito na iyong nararanasan ay simula pa lamang. Kapag ang mga mata ng iyong pang-unawa ay naliwanagan, ikaw ay lalakad sa walang katulad na pagbuhos mula sa Diyos. Ang Diyos ay may kakayahan at nagnanais na buksan ang isang kaharian na hindi nakatali sa panahon, heograpiya, o kakayahan ng tao.

Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

21 Days to Overflow

Sa planong 21Araw Upang Mag-umapaw ng YouVersion, dadalhin ni Jeremiah Hosford ang mga mambabasa sa 3-linggong paglalakbay ng pagtatanggal ng anumang mula sa sarili, pagiging puspos ng Banal na Espiritu, at pamumuhay sa isang nag-uumapaw, puno ng Espiritung buhay. Panahon na upang huminto sa pamumuhay nang normal at magsimulang mamuhay ng umaapaw na buhay!

More

Gusto naming pasalamatan ang Four Rivers Media sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.theartofleadership.com/