21 Araw upang Mag-umapawHalimbawa
Mga Panlilinlang
Ang susunod na bagay na kailangan nating alisin sa ating sarili upang magkaroon ng puspos ng Espiritu at nag-uumapaw na buhay ay ang panlilinlang ng kaaway.
Sa Juan 8:44, tinatawag nitong sinungaling ang diyablo. Ngunit hindi lamang isang sinungaling - tinatawag siyang ama ng kasinungalingan. Ito ay isang mabigat na katawagan, at hindi ibinibigay sa pangkaraniwang sinungaling lamang. Ang ating kalaban ay dalubhasa sa panlilinlang. Ang pagkaunawang ito ay dapat mag-udyok sa atin sa pagkilos upang magtanggol laban sa lahat ng mga panlilinlang na dinadala niya.
Sa Mga Taga-Galacia 6:7-8, sinabi ni Pablo sa simbahan na huwag magpadaya. Kahit noon pa man, at lalo na ngayon, ang kalaban ay kumikilos sa pagbabaluktot ng Salita ng Diyos, nililito ang Kanyang mga anak, at pinalalabo ang linya ng moralidad. Hindi natin hahayaan na maging biktima tayo ng kanyang magaling na panlilinlang.
Sa halip, kailangan nating mag-ugat sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Kapag ginawa natin ito, hindi tayo madaling kapitan ng panlilinlang ng kaaway at maaaring magpatuloy sa paglakad sa kalooban ng Diyos nang walang pag-aalinlangan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa planong 21Araw Upang Mag-umapaw ng YouVersion, dadalhin ni Jeremiah Hosford ang mga mambabasa sa 3-linggong paglalakbay ng pagtatanggal ng anumang mula sa sarili, pagiging puspos ng Banal na Espiritu, at pamumuhay sa isang nag-uumapaw, puno ng Espiritung buhay. Panahon na upang huminto sa pamumuhay nang normal at magsimulang mamuhay ng umaapaw na buhay!
More