Ako'y Sumusuko: Debosyong Inspirasyonal na Sinulat ng mga BilanggoHalimbawa
AKO AY NAGING BULAG, NGUNIT NGAYO'Y NAKAKAKITA
“Ganito ang kanyang sagot, 'Ang kagandahang-loob ko ay sapat na para sa iyo, sapagkat lubusang nahahayag ang aking kapangyarihan kapag ikaw ay mahina.' Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang manatili sa akin ang kapangyarihan ni Cristo." —2 MGA TAGA-CORINTO 12:9
Ang buhay ko ay naging isang perpektong kuwento ng tagumpay, ang dakilang pangarap ng Amerikanong nakamit.Ngunit sa isang iglap, napagtanto kong hindi ang tagumpay ko ang ginamit ng Diyos para bigyan ako ng kakayahang tulungan ang mga nasa bilangguan. Lahat ng aking mga nakamit ay walang halaga sa ekonomiya ng Diyos. Hindi, ang totoong pamana ng aking buhay ay aking pinakamalaking kabiguan—na ako ay isang dating nahatulang preso. Ang aking pinakamalaking kahihiyan—ang dalhin sa kulungan—ang simula ng dakilang paggamit ng Diyos sa aking buhay. Pinili Niya ang isang karanasan kung saan hindi ako mapaparangalan, para sa Kanyang karangalan.
Sa pagharap sa nakakabiglang katotohanan, nadiskubre kong ang aking mundo ay tila nabaliktad. Naunawaan ko sa isang iglap na ang pagtingin ko sa buhay ay paatras. Ngunit ngayon ay nakikita ko na: noong nawala sa akin ang lahat ng bagay na inaakala kong nagtataas kay Chuck Colson ay doon ko natagpuan ang aking totoong sariling inihanda ng Diyos para sa akin at ang totoong layunin ng aking buhay.
Hindi ang ginagawa natin ang mahalaga kundi ang pinipiling gawin ng Diyos na may kontrol sa pamamagitan natin. Ang kaharian ng Diyos ay isang kabalintunaan, kung saan ang tagumpay ay nagmumula sa pagkatalo, ang paghilom sa pamamagitan ng pagkasira, at ang paghahanap ng sarili sa pagmamagitan ng pagkawala nito. Siguradong ganito ang nangyari sa aking buhay. Kung ikaw ay dumaan din sa lambak ng kabiguan, nananalangin akong maging totoo ito sa iyo.
—Chuck Colson
PANALANGIN: Panginoon, salamat na ang Iyong biyaya ay sapat para sa lahat ng aming pangangailangan. Nawa ay mahanap namin ang aming layunin at halaga sa Iyo, ngayon at sa tuwina. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Biblia ay isang libro ng pagtutubos, kalayaan at pag-asa. Sa loob ng mga pahina nito ay ang mga karakter na aktibo at puno ng lakas ng loob—mga lalaki at babaeng pinanghinaan na ng loob at naghahanap ng mga kasagutan. Sa isang banda, sila ay tila katulad ng mga kasalukuyan at nakaraang bilanggo na siyang may-akda ng mga debosyonal na iyong babasahin. Kami ay umaasa na ikaw ay mahikayat at magkaroon ng inspirasyon mula sa mga tinig ng simbahan sa likod ng rehas. Nawa ang kanilang patotoo ang magpalaya sa ating lahat.
More