Ako'y Sumusuko: Debosyong Inspirasyonal na Sinulat ng mga BilanggoHalimbawa
NARITO SI JESUS
“Sumagot si Pedro, “Panginoon, handa po akong mabilanggo at mamatay na kasama ninyo!”" —LUCAS 22:33
Si Pedro, sa isang punto ng kanyang buhay, ay gumawa ng seryosong pangako na sundin si Jesus. Sinabi pa niya na makukulong siya at mamamatay para sa Kanya. Si Pedro ay tapat, ngunit siya ay nabigla noong dumating ang mga pagsubok at pagsusulit! Ngunit nanalangin si Jesus para kay Pedro at hindi siya sinukuan.
Nabigo din ba tayo? Tinanggihan ba natin ang ating Tagapagligtas, tumalikod, at lubusang sinira ang lahat? Umasa ka. Tumingin kay Jesus. Naroon pa rin Siya. Mahal pa rin Niya tayo. Siya ay nanalangin para sa atin, at sa kabila ng lahat ng ating mga kabiguan, Siya ay handang iangat tayo, tuyuin ang ating mga luha, at pagalingin ang ating mga wasak na puso.
Maaari tayong maging lalaki o babae na para sa Diyos, upang tuparin ang ating mga pangakong ginawa natin kay Jesus. Nasaan man tayo, kahit sa madilim na selda ng kulungan, anuman ang ating kalagayan, naroon si Jesus. Maaari tayong magkaroon ng lakas ng loob at muling sabihin sa Kanya, “Handa ako, Panginoon, na sumama sa Iyo sa bilangguan at sa kamatayan!”
—Javier
PANALANGIN: Salamat, Panginoon, na kahit kami ay nabigo, hindi Mo kami susukuan. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Biblia ay isang libro ng pagtutubos, kalayaan at pag-asa. Sa loob ng mga pahina nito ay ang mga karakter na aktibo at puno ng lakas ng loob—mga lalaki at babaeng pinanghinaan na ng loob at naghahanap ng mga kasagutan. Sa isang banda, sila ay tila katulad ng mga kasalukuyan at nakaraang bilanggo na siyang may-akda ng mga debosyonal na iyong babasahin. Kami ay umaasa na ikaw ay mahikayat at magkaroon ng inspirasyon mula sa mga tinig ng simbahan sa likod ng rehas. Nawa ang kanilang patotoo ang magpalaya sa ating lahat.
More