Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ako'y Sumusuko: Debosyong Inspirasyonal na Sinulat ng mga BilanggoHalimbawa

I Surrender: Inspirational Devotions Written by Prisoners

ARAW 2 NG 4

MAHAL AKO NG PANGINOON

“Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman.” —JUAN 10:27-28

Nabubuhay ako noon bilang isang Cristiano, ngunit lumayo ako sa katotohanan. Sa loob ng maraming taon ay napasama ako sa mga kaguluhan, sa kaloob-looban ay alam kong kailangan ko ang Panginoon pero nilalabanan ko ito dahil natatakot ako sa Kanya. Ngunit isang napakasimpleng halimbawa ang nagpaalala sa akin na ang Diyos ay palaging mahabagin na tinatawag ako pabalik sa Kanyang kawan. Hindi ko kailanman sinabi sa aking mga anak ang tungkol sa aking kalagayan noong nasa kulungan ako. Sa tuwing tatawagan o sinusulatan ko sila, sinasabi ko na ako ay "umalis" lang, at lahat ay "okay." Ngunit isang Cristianong babae at mabuting kaibigan sa bilangguan ang nagsabi sa akin na ipagtapat sa aking mga anak ang totoo.

Sinabi ko sa kanila at naghintay ako ng dalawang buwang balisa na makarinig mula sa kanila. Sa wakas, nakatanggap ako ng malaking pagpapala—ang unang liham mula sa aking anak na babae. Sa tuktok ng pahina, isinulat niya sa malalaking titik, "PAKIUSAP, SUMULAT SA MADALING PANAHON" at "NANAY, LAGI KITANG MAMAHALIN"

Ang mga salita ng aking anak na babae ay nagbukas ng aking mga mata sa isang dakilang katotohanan: ang Panginoon ay laging nagmamahal sa akin. Dalangin ko na maging tapat ako sa Kanya at maging anuman ang gusto Niya sa akin.

—Nina

PANALANGIN: Mahal na Panginoon, tulungan Mo akong mamuhay nang ayon sa gusto Mo para sa akin mula ngayon, sa bawat araw. Salamat sa Iyong pasensya sa akin. Tulungan Mo akong maging matiyaga sa iba. Amen.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

I Surrender: Inspirational Devotions Written by Prisoners

Ang Biblia ay isang libro ng pagtutubos, kalayaan at pag-asa. Sa loob ng mga pahina nito ay ang mga karakter na aktibo at puno ng lakas ng loob—mga lalaki at babaeng pinanghinaan na ng loob at naghahanap ng mga kasagutan. Sa isang banda, sila ay tila katulad ng mga kasalukuyan at nakaraang bilanggo na siyang may-akda ng mga debosyonal na iyong babasahin. Kami ay umaasa na ikaw ay mahikayat at magkaroon ng inspirasyon mula sa mga tinig ng simbahan sa likod ng rehas. Nawa ang kanilang patotoo ang magpalaya sa ating lahat.

More

Nais naming pasalamatan ang Prison Fellowship sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bumisita sa: https://www.prisonfellowship.org/resources/subscribe/