Pagpapatawad Para Sa Mga Nakasakit Sa AtinHalimbawa
Ang Basehan ng Pagpapatawad
Kapag nakikita mo ang mga kasalanan ng iba, ano ang ginagawa mo?
Ang marami sa atin ay may dala-dalang mga espiritwal na sugat na natanggap nila mula sa iba. Ang mga nanugat sa atin ay maaaring nagsabi lang ng madaliang "Sori" at nagpatuloy na sa buhay. Maaaring umarte pa sila na tila wala namang pinsalang nangyari. Mahirap ba sa iyong limutin ang mga detalye ng mga pangyayari? Iniiwasan mo ba ang mga nakapanakit sa iyo? Sa kabilang banda naman, posible bang ikaw ang iniiwasan dahil sa mga kasalanang nagawa mo sa kanila?
Sa talinhagang ito tinatawag ni Jesus ang alipin na napakasama, dahil pagkatapos nitong makatanggap ng pagpapatawad, hindi niya ginawa ang natutulad. Bagkus, inilapat niya ang mas mataas na pamantayan kaysa iyong inilapat niya sa kanyang sarili. Habang binabasa natin ang siping ito, ang mga puso natin ay humihiyaw ng, "Hindi makatarungan!" Malinaw nating nakikita ang kawalan ng katarungan; ang alipin ay dapat sana nagpatawad ng pagkakautang ng may utang sa kanya.
Kilala at hangad natin ang katarungan dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa ating lahat. Paano tayo dapat tumugon sa mga kasalanan ng iba? Binabalaan tayo laban sa pagkikimkim ng hindi pagpapatawad sa ating mga puso. Malinaw nating nakikita rito kung paano tayo inaasahan ng Diyos na tumugon sa mga kasalanan ng iba—inaasahan Niya tayo na magpatawad. Ano ang basehan ng inuutos Niyang ito? Ang inaasahan Niyang ito ay nababatay sa sarili Niyang may-pagmamahal na pagpapatawad sa atin. Madalas nating husgahan ang iba gamit ang pamantayang naiiba sa ginagamit natin sa paghusga sa ating mga sarili.
Tinatanaw natin ang mga kasalanan ng iba sa atin na mas malala kaysa sa ating sariling mga pagkakamali, o inaasahan natin silang magpakita ng mas dakilang habag kaysa sa handa tayong ibigay sa iba. Ang ganitong pag-uugali ay ipinagbabawal ng Diyos. Bagkus, nais Niyang alalahanin natin ang Kanyang habag at gumawa ng naaayon dito. Kung talagang susumahin, ang ating mga kasalanan sa iba ay mga kasalanan laban sa Diyos. Nilikha Niya ang bawat isa sa atin at ninanais na ituring na mahalaga ang isa't isa, at higit na pahalagahan ang mga pangangailangan ng iba kaysa sa ating sariling mga pangangailangan (Mga Taga-Filipos 2:1-4). Malinaw na mataas ang Kanyang pamantayan ng pagpapatawad—ang regalo ng ating sariling kaligtasan.
Paano ka makakapagbago? Magtala ng ilang paraang pinatawad ka ng Diyos. Isipin ang dakilang pagmamahal sa iyo ng Diyos: kay Cristo bukas-palad Siyang nagbigay ng daan upang ikaw ay mapatawad, kahit na tinanggihan mo Siya (Mga Taga-Roma 5:8). Simulan mong magbigay ng pagpapatawad sa iba, hindi base sa isang damdamin, ngunit base sa libre at may-habag na regalong ibinigay sa iyo ng Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Nagdurusa man tayo ng emosyonal o pisikal na sugat, ang pagpapatawad ay siyang pundasyon ng buhay Cristiano. Nakaranas si Jesu-Cristo ng hindi patas at hindi makatarungang pagtrato, maging ang hindi tamang kamatayan. Ngunit sa Kanyang huling oras, pinatawad Niya ang nanunuyang magnanakaw na nasa kabilang krus at maging ang mga nagparusa sa Kanya.
More
Nais naming pasalamatan si Joni at Friends, International at Tyndale House Publishers, mga lumikha ng Beyond Suffering Bible, sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: www.beyondsufferingbible.com/